Trident
Jay-jay's POV
"Jay... Ice cream..." pagmamaktol ni Ci-N pero hindi ko siya pinapansin. "Ice cream... Ice cream..."
Kanina niya pa ako kinukulit. Naiinis kasi akong ikuha siya ng pagkain. Hindi naman kasi siya marunong maglinis ng pinagkainan. Ang tamad-tamad din niyang kumilos.
"Jay... Jay... Jay... Jay... JAY!" sigaw niya.
Nahampas ko na lang yung kamay ko sa study table. Nakakainis na kasi!
Kulit!
"Tama na! Gabi na! Matulog ka na!" sigaw ko sa kaniya.
Bigla na lang siyang humikbi at gumulong sa sahig.
"Inaaway ako ni Jay-jay!" sabi niya at nagsimulang umiyak.
Ay, putik!
Bakit parang mas lalung lumakas ang sapi nitong batang kumag na 'to?! Kinagat lang ng pusa tapos nagkaganiyan na. Hindi kaya nahuli na kami at umabot na ang rabies sa utak niya? Masama 'to! Ibalik ko kaya sa ospital o kaya ideretso ko na sa mental?
"Oo na... Ikukuha ka na!" sabi ko at agad na lumabas ng kwarto.
Wala rin akong nagawa!
Dumeretso ako sa kusina. Kaya lang pagdating do'n, wala nang ice cream. Kinuha na ni Aries yung kahuli-hulihan. Naabutan ko pa siyang nangunguha ng kutsara habang nasa isang kamay niya yung pakay ko sana.
"Pwedeng akin na lang 'yan?" pakiusap ko.
Tiningnan lang niya ko at umirap pagdaan sa harap ko. Pfftt! Damot!
Wala nang ice cream. Yari ako nito sa batang kumag. Bumalik ako sa kwarto at dahan-dahang binuksan yung pinto. Nagbabaka-sakali akong tulog na siya. Pero bigo ako, gising siya. Gising na gising. Alive na alive ang putik!
"Ice cream ko!" sabi niya.
"Ubos na."
Nag-umpisa na naman siyang humikbi at magpagulong-gulong sa sahig. Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Ibibili na lang kita," sabi ko at agad na kinuha ang cellphone at wallet ko sa lamesa.
Bigla na lang siyang huminto sa pag-iyak at tumayo.
Huh?
"Bili ka na rin ng midnight snack," sabi niya at nag-abot ng pera.
"Kung samahan mo kaya ako!" inis na sabi ko sa kaniya.
"Hindi na... Kaya mo na 'yan. Umabot ka nga ng seventeen na wala ako, eh. 'Yan pa kaya!" sabi at humilata sa kama. "Bilisan mo na."
Ay, wow!
Yung napanganga ka na lang sa pagka-amaze sa pesteng batang 'to. Ibang klase! Wala akong masabi.
Naglakad na ako palabas. Hindi na ako nagpaalam, baka kasi nagpapahinga na sila. Kinuha ko yung bike ko sa garahe.
Madilim na sa daan. Salamat sa ilaw sa poste at naliliwanagan ang daan ko. Next time, bibilhan ko ng flasher 'tong bike ko para malakas na ang loob kong mag-bike sa gabi.
Perwisyo 'tong batang lumag na 'to!
Sa Mini Mart malapit sa 'min ako dumeretso. 24/7 naman 'to kaya kahit anong oras, pwede akong bumili rito.
Pinarada ko yung bike ko at pumasok sa loob. Wala masyadong tao, gabi na rin kasi.
Solo ko ang Mini Mart!
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction60% Off! Stop everything and start saving Sale ends on Mar 24 The global hit returns! Enjoy Season 2 on Viva One and revisit the original story that started it all. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maay...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte
