Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 141

1M 36.3K 22.2K
                                        


New York

Jay-jay's POV

"Aminin mo na, p're! Weak ka talaga!" pang-iinis ni Blaster.

"Tantanan mo 'ko!" inis namang sagot ni Eman.

Kanina pa sila ganiyan. Mula sa harap ng cashier hanggang sa paglalakad namin papunta sa parking. Ako na lang ang humihingi ng pasensya sa mga taong pinagtitinginan kami at napeperwisyo ng dalawang 'to.

"Woohh! Virgin!" sigaw ni Blaster at bigla na lang akong natawa nang malakas. Wala namang masama sa sinabi niya. Natawa lang talaga ako dahil mukhang asar na asar na 'tong isa.

"Gago ka! Tigilan mo sabi ako!" sigaw ni Eman at bigla na lang namula.

Bakit kapag lalaki ang nag-aasaran ng gano'n, nakakatawa? 'Pag babae, parang nakakapikon at napakaseryosong usapin.

"Bakit? Nahihiya ka! Kasi virgin ka pa rin?" pangungulit ni Blas. Halatang napipikon na si Eman pero nagpipigil lang.

Bigla na lang tumunog yung phone ko. Hinayaan ko munang magtalo yung dalawa at sinagot ko na yung tawag.

"Hello?"

"Done shopping?" Boses nung hari.

Dapat tiningnan ko muna yung caller. Pffttt...

"O-oo.."

"Don't go anywhere. I'll pick you up," sabi niya at pinatay na naman yung tawag.

Bastusan talaga, eh!

I'll pick you up? Alam ba niya kung nasaan ako? Siguro sinabi nitong dalawang 'to.

Speaking of dalawa, ayun, nagtatalo pa rin sila. Lumapit na ako agad at baka magsuntukan na.

"Mauna na kayo. May pupuntahan pa pala ako," sabi ko sa kanila.

"Saan? Hatid na kita," presinta ni Eman.

"Dito lang din."

Pareho naman silang nag-nod. Kinuha ko muna sa kanila yung garapon ng lollipop. Nagpaalam na rin sila dahil may gagawin pa raw si Blaster.

Pinagmasdan ko lang yung kotse nila na makalayo sa kinatatayuan ko. Sakto namang pagkawala nila ang paglitaw ng Nissan GTR ng hari.

Yayamanin talaga!

"Sakay," bungad niya sa 'kin.

Grabehan! Hindi man lang ako pagbuksan ng pinto. Napaka-gentleman mo diyan.

Pagsakay ko, humarurot na ang walang hiya. Animal!

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"Sa bahay."

Nag-nod na lang ako. Ano kayang trip nito at nakipagkita sa 'kin?

Sandali lang ang naging biyahe namin dahil sa bilis magpatakbo nitong kumag na 'to.

Pinarada niya yung kotse niya kahilera ng iba pa. Pinagmasdan ko yung ibang sasakyan na katabi ng sa kaniya. Ang putik! Naiinggit ako sa kaniya.

"Keifer... Mayaman ka naman baka pwedeng akin na lang isa?" bungad ko sa kaniya sabay turo sa mga kotse niya.

Seryoso niya akong tiningnan. "Which one?"

Hala! Hala! Which one daw!

"Seryoso ka diyan?!"

"Yeah... Just make sure na hindi ka magpapakasal kay Yuri. Ibibigay ko sa 'yo kahit bahay ko," sabi niya at nag-cross arm.

Tiningnan ko yung mga kotse niya at yung bahay nilang mansyones.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon