FIRST

8.5K 230 21
                                    

BAR

Okay naman yung buhay ko eh, wala naman akong reklamo.

Okay lang naman ako sa trabaho ko, okay lang din ako sa tinitirhan ko, okay lang ako sa lahat.

Hindi naman ako mayaman, hindi ako nakatira sa isang mansion o condo, hindi rin ako kumakain ng mamahaling pagkain araw araw. Simple lang ang buhay ko pero wala akong reklamo.

"Trinity, halika na!" Sigaw ni Zeya.

"Teka lang!" Sigaw ko habang pinupusod ang buhok ko.

Sumulyap ako sa orasan habang sinusuot ang sapatos ko. Nyeta, maaga pa pala tas etong si Zeya ay nagmamadali na.

Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng babaeng to pero sana ay bagong raket nanaman. Paraket raket lang kasi kaming dalawa eh, wala pa kaming maayos na trabaho.

"Harujusko, bilisan mo, Trinity! Kapag tayo nalate, masasapak kita sa lungs!"

Agad akong lumabas sa kwarto ko nang matapos ako sa paghahanda. Agad kaming lumabas sa apartment namin, hinawakan ako ni Zeya at kinaladkad palabas dito.

"Aray, aray, Zeya! Teka!" Reklamo ko bago binawi yung kamay ko nang makalabas na kami sa building. "bat ka ba nagmamadali? Najejebs ka?"

"Ulol! Hindi," Umirap siya. "bagong raket to, teh. Kailangan maaga tayo dahil ayaw nung boss na pinaghihintay siya."

"Wow, arte ah."

"Bakla kasi, wag ka na. Tsaka, di bale, bagong raket naman to tsaka malaki ata kikitain natin neto." Tumawa siya bago pumara ng jeep.

Yes, this is my life. I'm Trinity Mendez, welcome to my story.

*****

"Pucha, seryoso ba yan?" I groaned.

"Wag ka na ngang maarte, Trin! Malaki ang sweldo natin dun tsaka magagamit na natin tong english skills natin dun." Sabi ni Zeya habang kumakain kami ng lunch dito sa Jollibee.

Pano ba kasi, ang bagong raket naming to ay magwwaitress sa isang bar. Bar na maraming VIPs, Americans at iba pa. Kaso three days lang ang trabaho namin dun, parang trial lang namin, ganon. Raket lang kasi to, di naman to permanent job.

"Bakit kasi sa bar, Zeya? Alam mo namang ayaw ko sa mga ganyan eh. Umiiwas ako sa mga lasinggero at mga smokers!"

"Luh, ang arte mo! Pavirgin ka pa eh." Kinurot niya ako.

Sinipa ko naman ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "Virgin naman talaga ako."

"Kwento mo kay Ate Charo yan." Sabi niya.

Inubos na namin ang mga pagkain namin at nagtungo sa mall para bumili ng murang damit. Naisipan naming magshopping na muna since mamaya pang 6 pm ang start ng raket namin.

"Trin, eto? Bagay sakin?" Tanong niya sabay tapat nung damit sakin.

"Buang ka, pangbeach yan eh! Ang iksi tsaka see through." Tumawa ako sabay batok sa kanya.

"Ay, weh?" Sabi niya, nagkibit balikat siya bago binalik yung damit. "ganda eh, mura lang din. Pambahay ko sana." She chuckled.

"Ewan ko sayo, Zey. Bilisan na nga natin, dumadami na ang mga tao." Sabi ko sabay hatak sa kanya sa ibang parte ng mall.

*****

"Ganda mo, Trinity! Kahit simple lang yung suot mo, ang ganda mo pa rin." Pagpuri sakin ni Zeya habang naglalakad kami papunta sa bar.

Isang black shirt tsaka skinny jeans lang ang suot ko tas sneakers. Ganon din yung suot niya pero ripped jeans kanya. Black shirt kasi talaga yung susuotin dito sa bar, parang ito na yung uniform namin.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon