FIFTEENTH

3.4K 209 111
                                        

APARTMENT

"What?!" She yelled.

"Please po, kailangan ko pong makausap si--.."

"Are you even sure na si Griffin ang ama ng dinadala mo?! Baka naman sa ibang lalaki yan! Are you that desperate to have Griffin? Kaya sasabihin mo na siya ang ama kahit hindi naman talaga?"

God. I wanted to slap her so damn hard but I controlled myself. Nakayukom ang aking mga kamao at nanggigigil na ako.

"Hindi po ako ganong babae. For your information po si Griffin lang ang nakagalaw sakin. Wala akong boyfriend na maaaring maging ama ng anak ko. Kung hindi lang talaga si Griffin ang ama ng anak ko, mas mabuti yun!" Humakbang ako palapit sa kanya. "dahil ayokong lumaki ang anak ko sa mundong ito! Sa mundong puno ng mga judgemental na tao tulad mo!"

"Hindi ako judgemental, Miss Trinity. I'm just stating a fact--.."

"It's a complete bluff, Ma'am. Hindi fact ang mga sinabi mo, tsaka wag na wag mo akong huhusgahan dahil wala kang alam." Dadaanan ko na sana siya para makalabas dito nang hawakan niya ang braso ko.

"Stay away from Griffin," Mariin niyang sabi. "you and that baby will destroy his career. Find a way para mabuhay mo nang mag-isa ang batang yan. Kapag lumapit ka kay Griffin," Sinamaan niya ako ng tingin. "sisirain ko ang buhay niyong mag-ina."

******

Iyak lang ako nang iyak pagkauwi ko sa apartment. Nagtaxi na ako pauwi dahil ayoko nang magpahatid kay Kuya Cardo.

Pinaulanan ako ng texts at calls ni Griffin. Sabi niya pa na hindi niya ako mahanap sa cinema at baka umuwi na ako. Pupuntahan niya raw ako after ng after party nila.

Ayoko. Ayokong makaharap si Griffin ngayon. Lahat ng confidence ko kanina para kausapin siya ay na drain dahil sa mga sinabi ng Manager niya kanina.

"Trin, tahan na. Kumalma ka, nakakasama sa bata yung nasstress ka." Sabi ni Zeya bago ako inabutan ng tubig.

"Zeya, she threatened me. Sabi niya kapag hindi ko nilayuan si Griffin, sisirain niya ang buhay namin ng baby ko." I cried, harder.

"Hindi mangyayari yan," Sabi niya. "ayaw mo ba talagang makita si Griffin?"

"Ayoko," Umiling ako agad. "ako na. Ako nang bahalang magpalaki sa anak ko, I will not contact him. Gagawa ako ng para--.."

"No, Trinity. Tutulong ako. Ano ka ba? Anong klaseng kaibigan ako kung hahayaan lang kita, diba?" She smiled at me.

"No, no, no. Ayokong madamay ka sa problema ko, Zeya." I sighed.

"Hay nako," Pinitik niya ang noo ko. "kung may problema ka, problema ko na rin yun. Okay?"

Napangiti ako habang pinupunasan ko ang mga luha ko. "Thank you, Zeya. Thank you so much."

"Wala yun. Diba nga nagpapadala ng pera si Kuya at Ate Mina? Pwede nating gamitin yun, tinatago ko kasi. Yung mga ipon ko lang ang ginagastos ko." Sabi niya sakin.

"Ha? Zeya, wag na. May konteng ipon pa naman ako, yun nalang ang gagamitin ko. Pera mo yun, para sayo yun."

"Ang tigas talaga ng ulo mo, bhe, noh? Sa tingin mo ba kasya yung ipon mo para sa lahat? Pagkain mo, vitamins, damit mo at ni baby, para sa pagpanganak mo, bill sa hospital, gatas at iba pa! Sa tingin mo kasya yun?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi....pero gagawa naman ako ng para--.."

"Isa pang paraan, hahampasin na kita," Umirap siya kaya natawa ako ng mahina. "okay lang, Trin. Para naman kitang kapatid eh. Marami kang kabutihan na nagawa sakin noon, ito na yung pambayad ko sayo."

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon