TWENTY SECOND

4.2K 170 20
                                    

TAKE CARE

"This is my room." Sabi niya bago binuksan yung pinto.

Pumasok ako sa loob at inikot ang tingin ko. Maganda ang kwarto niya at malaki. Midnight blue ang kulay ng kwaro niya at itim, gray at silver ang kulay ng furnitures niya dito.

"Wow naman," I said, grinning. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "not bad. Ang taray."

"Yeah, I know." He chuckled. Binaba niya ang bag ko sa gilid ng maliit na cabinet.

"So," Tumikhim ako. "san ang kwarto ko?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad siya papunta sa kama.

Tumigil siya at tumingin sakin. Nakakunot din ang kanyang noo. He raised an eyebrow before talking. "You're being dumb again. Malamang, ito."

"Ha? Akala ko ba kwarto mo to?" Gulong gulo kong tanong.

He groaned before rolling his eyes. Lumapit siya sakin at pinitik ang noo ko. "We'll sleep together, Trinity." Sabi niya bago ako kinulong sa mga bisig niya at nilapit ako sa kanya.

Namula ako. "Ha?!"

"Ha ka diyan. Do you really think I'll let you sleep alone? In my condo?" He smirked.

"Manyak mo talaga. Sus, yung ngising yan." Pinitik ko ang tenga niya.

"What?" Natawa siya. "ngumisi lang ako, manyak agad?"

"Lul," Umirap ako. "so, sa sahig ka matutulog?"

He frowned. Pinitik niya nanaman ang noo ko, malakas pa! Napahawak ako sa noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Stupid. Malamang sa kama!" Iritado niyang sabi.

"Ah, sa kama! Eh, ako?! San ako matutulog? Sa sahig?! Are you dumb!" Bwisit kong sabi.

"No. You're dumb! Sa kama ka matutulog. Tabi tayo. Walang matutulog sa sahig. Gets mo?!" Inis niyang sabi.

"Tabi tayo?!"

Hindi na siya sumagot at hinalikan nalang ako. Hindi na ako nagreklamo dahil gusto ko naman. Ahihi.

Lumayo siya sakin kaya ngumuso ako. So, yun lang? Bibitinin mo ako?

"Ingay mo, you're just like my Mom. My Dad calls him 'Scream Queen' sometimes." He chuckled.

"Okay lang, maganda naman si Tita Chloe kaya maganda din ako." I giggled.

Wow, Tita. Close kayo, teh?

"Hindi ako aangal." He grinned, nilapit niya ang mukha niya sakin.

"So nagagandahan ka nga sakin?" Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Always," He kissed my nose. "always, Trinity."

"Aw," I smiled. Agad kong inipit ang mukha niya gamit ang mga palad ko. Inipit ko talaga ang mga pisngi niya kaya nakanguso na siya sakin. Humalakhak ako. "Griffin, ang cute mo!"

"Eht goh." Nahihirapan niyang sabi.

"Ano?" Tumawa ako.

"Eht goh!" Ulit niya.

"Ano ulit?" Pang-aasar ko kahit naiintindihan ko naman.

Let go raw. Hehehe, hindi pwede!

"Kiss mo muna ako." Malandi kong sabi.

Nagulat ako nang bigla niyang iatras ang mukha niya sa pagkakaipit ko sa kanya kaya nabitawan ko siya. Agad niya naman akong hinalikan.

Ay, shookening! Agressive na si beastie.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon