TENTH

3.8K 186 35
                                    

PENGE ULIT COMMENTS HEHEHE
_____
JEALOUS

"Um, ano pong iinumin niyo?" I asked nang makaupo na sila.

"Ano sayo?" Malambing na tanong ni Griffin kay Chiel. Nakaakbay din siya kay Chiel.

"Hmm, may iced tea ba dito?" She asked.

Dahan dahan akong tumango."Yes, Ma'am."

"Okay, sige. Iced tea lang sakin," She smiled at me. Tumingin naman siya kay Griffin. "you?"

"She knows." Sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.

Bakit hindi mo ako kayang tingnan sa mata?

"Oh! Sige..." She smiled at me, again.

Mabait naman pala si Chiel, kaya maraming nagmamahal sa kanya. Pero sa dinami daming pwede mapares kay Chiel, bakit si Griffin? He's...too difficult.

And now, hindi niya ako pinapansin. Bakit? Dahil kasama niya si Chiel? Or dahil nakuha niya na ang gusto niya?

Sex. My virginity. Yun ba habol niya? I should've known.

"I'll be right back po." Sabi ko bago umalis.

Sumandal muna ako sa pader nang makalabas ako. Why am I hurt? Do you like that guy, Trinity?

Binura ko sa utak ko yung thought na yun at dali daling pinuntahan si Dennis para kunin ang drinks nila. Of course, Long Island Iced Tea kay Griffin. Eto talaga lagi niyang iniinom dito.

Pagbalik ko, hindi pa ako nakakapasok pero nakikita ko silang dalawa. They were too close to each other, nagtatawanan pa. Nakaakbay din si Griffin sa kanya. Hawak ni Chiel ang cellphone ni Griffin, parang may tinitingnan sila.

Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Dahan dahan kong nilagay yung mga drinks nila sa lamesa. Bago pa ako makatalikod ay nagsalita si Griffin.

"Dalhan mo ako ng tubig. Isa lang. Bilis." He said, pero hindi pa rin siya nakatingin sakin.

Lumunok ako. "Okay po, Sir." Mahina kong sabi bago lumabas at humingi ng tubig kay Dennis.

"Trin, ayos ka lang? Parang matamlay ka ata?" Tanong niya habang nilalagay yung tubig sa tray ko.

"Ayos lang ako," I faked a smile. "Dennis, pwedeng magtanong?"

"Sige. Ano yun?"

"Alam mo ba yung feeling na nakikita mong may ibang kasama yung isang tao tas ang saya nilang tingnan? Tas parang kinalimutan ka na? Parang mahapdi sa dibdib." Sabi ko.

"Ahh, yan," He chuckled. "pagseselos ang tawag diyan, Trinity."

"Selos?" Kumunot ang noo ko. "bat naman magseselos eh hindi niya naman gusto yung taong yun?"

"Impossible namang hindi niya mararamdaman yung ganong feeling kapag hindi niya gusto o hindi espesyal yung taong yun sa kanya." Sabi ni Dennis habang pinupunasan ang basong hawak niya.

"Oh," Napatingin ako sa sapatos ko. Gusto? Espesyal? Weh? "expert ka pala sa mga ganito, Dennis?" Tumingin ako sa kanya bago tumawa.

He smiled. "Hindi naman. Based lang to sa experience."

"Sige, Den. Thank you." Ngumiti ako bago umalis.

Pagkapasok ko ay napatingin na sakin si Griffin. Dapat matuwa ako dahil nakatingin na siya sakin pero masama ang tingin niya sakin eh.

"What took you so long?" Malamig niyang sabi sakin.

"Griffin, chill." Malambing na sabi ni Chiel sa kanya bago tumingin ulit sa phone ni Griffin.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon