FUTURE
Bago pa ako sumagot ay inunahan na ako ni kuyang bodyguard. Pinasalamatan ko naman siya gamit ang mga mata ko.
"Pasensiya ka na, Mr. Zarzwel pero kailangan na po naming umalis." Sabi niya.
"Teka, Trinity--.."
"I'm sorry, I have to go." Agad kong sabi bago naglakad papunta sa van. Pinagbuksan ako ni kuyang bodyguard at agad na pumasok sa driver's seat.
Bago pa makalapit si Raven sa van ay pinaharurot na ni kuyang bodyguard ang van. Nakahinga ako ng maluwag at sinandal ang likod ko sa upuan.
"Thank you po, Kuya...?"
"Cardo po." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan.
"Thank you po, Kuya Cardo." Hmm, familiar ata yung pangalan na yan. Narinig ko na ata yan sa tv.
"San ko po kayo ihahatid? Sa apartment niyo po ba?" He asked.
"Ay, hindi na po. Ibaba niyo nalang ako diyan sa gilid, magjijeep nalang ako." Nakakahiya naman. Driver to ni Griffin, hindi sakin.
"Nako, Miss Trinity, sabi po sakin ni Sir Griffin na ihahatid at susunduin kita palagi. Mananagot po ako sa kanya kapag hindi ko siya sinunod."
Napakagat naman ako ng labi. Nahihiya akong magpahatid at magpasundo pero ayaw ko namang mapagalitan siya dahil sakin.
"Ah sige po," Mahina kong sabi. "sa apartment po." I said.
"Okay po." Sabi niya.
I sighed. Griffin talaga, bat ka ba ganyan?
Maya maya ay nakarinig ako ng tunog ng cellphone. Kay Kuya Cardo lang pala na cellphone. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa upuan at tumingin sa labas.
"....Sir, nasa van na po..."
Sir? Kumunot ang noo ko. Dahan dahan kong sinilip si Kuya Cardo, may kavideo call siya. Mabagal ang kanyang pagmaneho at pasulyap sulyap lang siya sa cellphone niya para hindi kami maaksidente.
Ohmygosh! Si Griffin yung nasa screen!
"That's good," Rinig kong sabi ni Griffin sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong napunta ang mata niya sa direksyon ko. Agad akong sumandal sa upuan at tumingin sa labas. "ibigay mo ang cellphone kay Trinity."
"Masusunod po." Sabi ni Kuya Cardo bago inabot sakin yung phone.
Lumunok ako bago tinanggap ang cellphone ko. Nahihiya ako dahil baka mukha akong bruha. Tinapat ko sakin ang cellphone at kinagat ang labi ko.
"Hello, Trinity." He smiled.
"Hello, Griffin..."
"Are you okay?" He tilted his head.
"Oo, okay lang ako," Tumikhim ako. "um, thank you dito sa hatid sundo chuchu kahit hindi naman kailangan."
"Kailangan dahil wala ako diyan and that Raven will keep on bugging you. I don't like that." Umirap siya kaya natawa ako ng mahina.
Nakahiga siya sa kama at mukhang mag-isa. "Nasan si ano..."
He raised an eyebrow pero mukhang nagets niya naman yung sinabi ko. "Nasa shoot. I'm here at the hotel, mamaya pa yung scenes ko."
"Ah, okay." Tumango ako.
"Bakit? Kung nandito siya, magseselos ka?" Pang-aasar niya.
Malamang. Charot. "Hindi." Umirap ako.
"You're unfair. Nagseselos ako kay Raven kaya dapat magselos ka din kay Chiel."
"Tigilan mo na tong topic na ito! Ibababa ko to, sige." Banta ko.
BINABASA MO ANG
Beastly | #KNNotoriousWC
RomanceAll she ever wanted was her own 'happily ever after.' Former: The Beast's Child #KNNotoriousWC Highest ranking/s: #1 in KathNielReads #15 in KathNiel