CHAT
Pagpasok ko sa condo ko ay music kaagad ng bts ang sumalubong sakin. Timing pang medyo slow song ito. Ano nanaman kaya ang title nito.
Wala na akong energy makipagtalo kay Zeya dahil sa music na pinapatugtog niya dahil naubos ko na ito kakaiyak. Matapos akong iwan ni Griffin sa parking lot ay bumalik ako sa hospital at umiyak sa cr.
Ang sakit. Bakit kasi hindi ko nalang sinabi agad? Edi hindi na sana siya mag-iisip ng ganito. Ayokong mag-iba ang tingin niya sakin dahil akala niya iba ang tatay ng anak ko. Gusto kong malaman niya na siya lang ang nakagalaw sakin. At siya lang.
Naglaka ako papunta sa sala dahil nandun nagmumula ang kumakantang Zeya.
"Butterfly!! Like a butterfly!!!!!" Kanta niya habang nakaupo sa sofa at nakaharap sa cellphone niya.
Naramdaman niya atang nandito na ako dahil nilingon niya ako. Ngumiti siya sakin pero nung nakita niyang mugto ang mga mata ko ay nanlaki ang mga mata niya.
"Z-Zeya..." I bit my lip.
"Huy! Anong nangyari sayo?! Bat mugto ang mga mata mo?!" Dali dali siyang lumapit sakin.
"Alam na...alam na ni Griffin na buntis ako," Tumulo ang luha ko nang maalala ko nanaman ang mga sinabi niya sakin. "pero akala niya si Raven ang ama dahil nakita niya kaming magkasama kanina."
Napasapo siya sa noo niya. "Hindi mo ba sinabi sa kanya?"
"Hindi niya ako pinapasalita," I sighed. "alam kong dala lang yun ng galit at pagkabigla, Zeya, kaso ang sakit kasi ng mga sinabi niya sakin eh."
"Lalaking yun talaga, puro stress ang binibigay sayo," Sabi niya bago ako pinaupo sa sofa. "kukuha muna ako ng tubig para sayo."
Tumango nalang ako at sumandal sa sofa. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Griffin. I have to talk to him, I have to tell him that he is the father of my child. Hindi si Raven!
I called him five times pero hindi niya sinasagot. Either, may trabaho siya or hindi niya lang ako pinapansin, or maybe hindi niya sinasagot dahil unknown number yung tumatawag sa kanya. Bago nga kasi ang cellphone ko. Nag-iba ako ng number pero sinigurado kong nakaregister ang number niya sakin.
I sighed. Pinatay ko na ang cellphone ko at pinatong yun sa sofa. I give up. Ayaw niya na talaga akong kausapin. But I'm sure hindi naman tatagal tong galit niya sakin, diba?
Dumating na si Zeya na may hawak na tubig, inabot niya ito sakin. Tinanggap ko yun at ininom.
"Pakiusap, Trinity, wag mo munang iisipin si Griffin, please? Delikadong mastress ka, remember? Gusto mo bang makunan ka?" Seryoso niyang tanong sakin.
Tumaas ang balahibo ko nang tanungin niya ako nun. Hindi ko kayang imaginin na mawawala sakin ang baby ko.
Agad akong umiling. "Ayoko. Gusto kong makita ang baby ko." Sabi ko bago ito hinimas.
"Ako rin, gusto ko ring makita ang inaanak ko kaya please lang, future madershkie! Wag kang magpapastress ng mashado. Oo, si Griffin ang ama ng bata at iniisip mo siya palagi lalo na dun sa nangyari kanina, pero wag na muna ngayon. Hindi pa ganon kastable yung pagbubuntis mo." She sighed.
Zeya's right. If I want to keep my baby, I should be very careful. I need to relax. Kailangan kong magpakahealthy. Saka ko na haharapin si Griffin kapag kaya ko na.
*****
Kinabukasan ay sinamahan ako ni Zeya sa cafe. Nagresign na ako dahil sabi ng doctor na wag na muna akong magtrabaho at manatili nalang sa bahay. Mabuti nalang at mabait ang manager ng cafe at naintindihan ako. Sabi niya na pwede akong magtrabaho ulit dito kapag nanganak na ako. Nagpaalam na rin ako kina Rhiyan pati Jhoanna.
BINABASA MO ANG
Beastly | #KNNotoriousWC
RomanceAll she ever wanted was her own 'happily ever after.' Former: The Beast's Child #KNNotoriousWC Highest ranking/s: #1 in KathNielReads #15 in KathNiel