PREMIERE NIGHT
Two weeks later....
Nandito ako sa apartment. Kakauwi ko lang galing sa cafe. Off ko ngayon sa bar kaya tatambay muna ako dito.
Nandito kami sa kusina ni Zeya. May niluluto siyang pagkain na hindi ko alam. Aabsent siya ngayon sa bar dahil gusto niyang manuod ng bts videos buong gabi.
"Zey, ano yan? Ang baho." Reklamo ko.
"Hininga mo lang yun," Tumawa siya. "ano ka ba, recipe to ni Kuya. Hindi ba gustong gusto mo mga luto niya?"
"Oo," Tumango ako pero sumimangot ulit nung maamoy ko yung niluluto niya. "Zey, ang baho talaga. Sure ka bang tama yang ginagawa mo?"
"Hoy, bastos ka, ah!" Hinampas niya ako. "kung magaling magluto si Kuya, magaling din ako!"
"In your dreams, Zeya. Pagprito nga ng itlog di mo magawa, nasusunog pa." Tumawa ako.
"Noon yun! Nag-improve na ang egg cooking skills ko." Umirap siya bago kumuha ng sandok. Kumuha siya ng parte sa niluluto niya, hinipan niya ito bago ito sinubo sakin.
Kinain ko ito at nginuya. "Masa--.." Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko na umakyat sa lalamunan ko.
Agad akong lumipat sa sink at sinuka ang lahat nang yon. Hinawakan ni Zeya ang buhok ko at hinimas ang likod ko.
"Trinity, okay ka lang? Di mo ba nagustuhan ang niluto ko?" Puno ng pag-aalala ang boses niya.
Nang mailabas ko ang lahat ay binuksan ko ang gripo at hinayaan yung alisin ang sinuka ko. Napansin kong hindi pagkain ang sinuka ko. Hinugasan ko ang bibig ko bago hinarap si Zeya.
"Hindi ata yun dahil sa niluto mo, Zey." Lumunok ako.
Sumulyap siya sa sink. Kinabahan ako nang makitang nanlaki ang kanyang mga mata. Binalik niya sakin ang kanyang tingin.
"Trin, hindi ko alam kung tama ang hinala ko dahil hindi naman ako doctor," She said. "kelan yung huli mong period?"
Halos mawala ang mga dugo sa mukha ko nang tinanong niya sakin yun. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kelan nga ba?
"M-Matagal na...hindi ko alam," Napamura ako sa utak ko. Hindi naman siguro, diba? "Zeya, ano nang gagawin ko?"
"Teka lang," Pinaupo niya muna ako sa upuan at binigyan ng tubig. "uminom ka muna ng tubig, tatawagan ko lang si Kuya."
Ay, tama. Doctor pala si Kuya Zaide, pati na rin si Ate Mina. Nung umalis si Zeya para kausapin ang kanyang Kuya ay hindi pa rin maalis ang kaba ko.
Napapikit ako at huminga ng malalim. Sana, sana, mali ang iniisip namin ni Zeya.
Mayamaya ay bumalik na si Zeya, hawak hawak niya pa rin ang cellphone niya. "Sa messenger ko lang nakausap si Kuya dahil nasa States na sila. Ang sabi niya ay magpatingin ka sa doctor, wag daw yung pregnancy kit chuchu na nabibili sa tabi dahil hindi yung accurate."
Napahawak naman ako sa ulo ko. "Ang sakit ng ulo ko," Sabi ko naman habang nakapikit. "pwede ba tayong pumunta sa doctor ngayon?"
"Oo naman, magbihis ka na dun. Ipaghahanda muna kita ng makakain dahil alam kong gutom ka na," She said, tumango naman ako. "anong gusto mong kainin?" Tanong niya bago binuksan ang ref.
"Cheeseburger tsaka fries." Sabi ko naman habang hinihilot ang sentido ko.
"Ha?" Sabi niya. "gaga ka ba? Wala tayong ganon dito!"
"Zeya, gutom na ako!" Reklamo ko. "gusto ko talaga ng burger tsaka fries. Sige na, Zeya, please? Naiiyak na ako, di ka ba naaawa sakin?" Ngumuso ako.
BINABASA MO ANG
Beastly | #KNNotoriousWC
RomanceAll she ever wanted was her own 'happily ever after.' Former: The Beast's Child #KNNotoriousWC Highest ranking/s: #1 in KathNielReads #15 in KathNiel