TWENTIETH

3.6K 191 63
                                        

LIVE

Days later...

"So far, so good, Trin!" Nakangiting sabi ng doctor sakin. "mabuti at iniinom mo yung mga bitaminang binigay ko sayo and mabuti at hindi ka na nasstress."

Natawa ako ng mahina. Lumayo na kasi sakin yung taong nagpapastress sakin.

Napansin ni Zeya na naawkward ako kaya nagsalita siya para sakin.

"Hay, nako, Doc! Alam mo ba kung anong nagpapasaya dito sa kaibigan ko?" Masiglang sabi ni Zeya.

Tumawa si Doctora habang may sinusulat sa pad paper niya. "Ano naman yun, Zeya?"

"BTS, Doc!" Pumalakpak siya na parang bata. "nako, Doc. Palagi akong magpplay ng BTS music kapag umaga hanggang gabi para hindi siya mastress!"

Natawa si Doc. "Akala ko ba ayaw mo sa grupong yan, Trin?"

"Hindi naman sa ayaw, Doc. Di ko lang sila bet pero noon yun. Ngayon, I started to like them. Yung tipong, gusto kong sila yung una kong marinig at makikita pagkagising ko tas sila din yung huli kong maririnig at makikita pagmatutulog na ako." I smiled before laughing.

"Hay nako, nahawa ka na kay Zeya but at least you're happy. Just continue on doing the things that makes you happy. Mabuti yung dinidistract ka ng grupong to para di mo na iisipin ang mga bagay o tao na nagpapastress sayo." Sabi ni Doc bago nilagay yung ballpen niya sa lalagyan.

"Opo, Doc." I nodded.

"Zeya, bantayan mo palagi tong kaibigan mo, ah? Make sure na she eats healthy foods regularly." Paalala ni Doc.

"Opo, Doctora! Makakaasa kayo sakin." Nagsalute pa si Zeya sa kanya.

"Mabuti," Nakangiting sabi ni Doc. "oh, sige. Bumalik kayo dito kapag sixteen or twenty weeks ka na para malaman natin ang gender ng baby mo, if gusto mo nang malaman."

"Ah, sige po, Doc. Thank you po." I smiled.

Nagpaalam na kami kay Doc at umalis na sa opisina niya.

"Anong gender ang bet mo, Zey? Babae, diba?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa exit ng hospital.

"Oo! Para maging fangirl din siya ng BTS tulad natin paglaki niya!" Tuwang tuwa na sabi ni Zeya. "ikaw, future madershkie?"

"Gusto ko rin ng babae pero parang gusto ko rin ng lalaki. Ewan," I shrugged. "pero hindi naman nagmamatter sakin yun, mamahalin ko naman tong baby ko, babae man siya o lalaki." I smiled before caressing my tummy.

"Bhe, pano kung bakla o tomboy?" Tanong niya.

Agad ko siyang hinampas. "Huy, wag ka ngang ganyan! Mamaya marinig ka pa neto tas maging bakla o tomboy." Umirap ako.

"Charot lang," She giggled. "pero pano kung kambal?"

"Kayanin."

"Eh kung triplets?"

"Kakayanin." I shrugged.

"Eh kung quadruplets?"

"Jusko, stressful naman niyan."

"Eh pano kung quintuple--.."

"Ano, Zeya? May balak ka bang patayin tong lagusan ko?"

Humalakhak siya. "Gaga, hindi naman ata mapupunit ang pekpek mo kung limang bata ang lalabas diyan, diba?"

I cringed. Tumigil ako sa paglalakad at binatukan siya. "Wag ka ngang ganyan! Tinatakot mo lang ako eh. Ayaw ko na tuloy ilabas tong baby ko."

"Pero pano kaya kung anim?" She asked before laughing.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon