EIGHTEENTH

3.2K 193 113
                                    

BEAST

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sakin habang nakasimangot.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon. Hindi ko alam tong nararamdaman ko ngayon.

Lumapit sakin si Raven at bumulong. "I can't leave you right now. Baka kung anong gawin niyan sayo."

Marami nang ginawa to sakin. Nabuntis pa ako. "Hindi, Rav. Kaya ko to," Sabi ko sa kanya. "iwan mo na kami."

"Sigurado ka?" Puno ng pag-aalala sa boses niya.

Nakatrabaho niya na si Griffin kaya for sure alam niya na ang beastly side ng lalaking to.

"Yes, sigurado ako." Sabi ko.

"Okay," He sighed before nodding. "I'll see you soon." Tinapik niya ang balikat ko. Tinanguan niya si Griffin pero nakafocus pa rin siya sakin.

Nang makaalis si Raven ay nagsalita siya. "Bat hinayaan mong iwan ka ng boyfriend mo?" Puno ng pagkabitter ang kanyang boses, umirap pa.

"He is not my boyfriend." Mariin kong sabi.

"Oh, yeah?" Lumapit siya sakin. As in yung sobrang lapit. Hindi ba siya aware na maraming tao?!

"Griffin..." Sabi ko bago umatras pero hinawakan niya ang bewang ko at nilapit pa sa kanya.

"Make me your boyfriend then." Sabi niya sakin. Tumingin siya sa mga mata ko tas bumaba sa labi ko tas sa mata ko ulit.

I chuckled nervously. "Ano bang pinagsasa--.."

"Trinity, I'm serious." Nakasimangot niyang sabi.

Hello, serious. Joke. "Griffin naman, hindi ba sabi ko sayo na tantanan mo na ako? Just leave me alone."

"I can't do that," He whispered. "I tried but I can't. Sige, keep on pushing me away pero tandaan mo na babalik at babalik ako sayo."

Tumulo ang mga luha ko. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya. Kung wala lang hadlang, kung wala lang problema na maging kami, na pwede kaming magmahalan, I will not push him away. I'll take his hand and I will never let it go, but I can't.

Even if I'll try to fight, I will surely lose. Sa una palang, talo na ako.

He cupped my cheeks and wiped my tears using his thumb. "Don't cry, Trinity. Kapag di ka tumigil, iuuwi kita."

I rolled my eyes. Bahagya ko siyang tinulak at pinunasan ang mga luha ko.

"I have to tell you something." Ngayon ko na ba talaga sabihin? Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero it's too late.

"What is it?"

"I...." I like you and I'm pregnant with your child. "Griffin, I'm--.."

Natigil ako sa pagsalita nang tumunog ang cellphone niya. He groaned, kinuha niya ang cellphone niya at umirap nang makita niya ang caller niya.

"What?" Iritado niyang sabi. "I'm at the mall, my Mom wants to see me....alam ko. Didiretso ako sa studio after nito...yeah, bye." Inalis niya na sa may tenga niya yung cellphone at binalik sa bulsa niya.

"Sino yun?" Tanong ko.

"My manager."

"Ah, g-ganon ba," Napalunok ako. Kinabahan naman ako dun. Jusko, kailangan ko nang umalis. Baka sumunod pa dito. "sige, puntahan mo na ang Mama mo. Aalis na ako."

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Where are you going?"

"Uuwi na." Sabi ko.

"San ka na nakatira ngayon? I'll drive you home." Sabi niya habang nakahawak pa rin sa braso ko.

Binawi ko naman yun. "Hindi na, magtataxi na--.."

"No," Mariin niyang sabi. "I said I'll drive you home."

"Griffin, kaya ko nga! Bat ba hindi ka makaintindi? Kaya kong umuwi nang mag-isa!"

"I know you can but I want to drive you home! Can't you understand that too?!"

"Nakakairi--..a-aray...ang sakit..." Napahawak ako sa gitna kong sumasakit.

"What?" Naalarma siya. "anong masakit?!"

Naramdaman kong may tumulo at napatingin ako dun. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dugo sa gitna ng pantalon ko.

*****

"It was a threatened miscarriage, Miss Trinity. Sa sobrang stressed mo ay muntik nang mawala ang baby mo." Sabi ng doctor.

"Ganon po ba?" Napalunok ako.

Sumulyap ako kay Griffin na sobrang sama ng tingin sakin. Nakahalukipkip siya and his jaw was clenched. His beastly aura was back.

Shit. I am so dead. Wala na. Hindi ito ang pagkaplano ko sa pagsabi sa kanya. Shit my life.

"I want you to stay away from things or even people na nagpapastress sayo. If you're working, it's best na tumigil ka muna. Delikadong mastress ang isang buntis, Trinity." Professional na sabi ng doctor sakin. Napatango lang ako.

Dito niya ako dinala sa hospital na sobrang mahal at sikat. Yung hospital kung san dinadala ang mga VIP. Nahihiya rin ako sa Mama ni Griffin dahil hindi na siya nakipagkita sa kanya dahil sakin.

"Sige po." I sighed.

"May vitamins ka bang iniinom?" She asked.

"Opo." Sabi ko bago tumango. Sinabi ko naman sa kanya ang vitamins na iniinom ko. Nauutal pa ako dahil nararamdaman ko ang malalamig na titig ni Griffin sa gilid ko.

Karma. My mind said.

"Pwede na kayong umalis. Basta, Trinity, ah? Yung mga bilin ko sayo." Sabi ng doctor.

"Yes, po, Doc. Thank you po." I smiled.

She smiled back. "You're welcome," Sabi niya bago tumingin kay Griffin. "oh, Griffin, alagaan mo rin tong girlfriend mo."

"I will, Tita. Thank you." Ngumiti siya ng tipid bago umalis.

Bumuntong hininga ako bago sumunod sa kanya. Ang bilis niyang maglakad kaya nahirapan akong makahabol.

"Griffin, sandali!" I yelled. Nakarating nalang kami sa parking lot at hindi ko pa rin siya nahahabol. "Griffin!"

Tumigil siya nang marating niya na ang kotse niya. Napalunok ako nang harapin niya ako. If looks could kill, nailibing na ako.

"What the fuck was that, Trinity?! Why didn't you tell me?!" Galit na galit niyang sabi.

Natakot ako sa kanya. Napaatras ako at tumulo ang mga luha. Alam kong may side siyang ganito pero hindi ko inakalang ganito pala katakot ang side na yun.

"Griffin, I'm sorry. I was--.."

"Who's the father?" Mariin niyang sabi. Nag-aapoy na ang mga mata niya. "is Raven the father of your child?"

"G-Griffin, hin--.."

"Kaya ba magkasama kayo kanina? He was holding a shopping bag from a baby's store! Para ba yon sa anak mo?!" Malakas niyang sigaw. "kaya pala. Kaya pala, gusto mo akong lumayo sayo. Now I know that you'll never love me back. May nakauna na pala."  He clenched his fist.

"Griffin, makinig ka naman sakin!" I cried.

"You're a beast, Trinity. You're the real beast." Malamig niyang sabi bago pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito.

Naiwan akong mag-isa sa parking lot ng hospital. Umiiyak at nasaktan ng sobra.

He was right. Palagi ko siyang tinatawag na beast, pero ang totoo, I am the real beast.

________

Aww, bye bye *insert shipname*

Anong gusto niyong shipname? Suggest kayo!

Penge votesue pati commentsue HAHAHAHA CHAR

(short update, huhu sorry) 

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon