THIRD

4.3K 193 17
                                    

JUST DON'T

"Omygosh," Pang-anim na sabi ni Zeya habang kinakagat ang kanyang daliri. "omygosh! Siya ba talaga yan?!"

"Ssh!" Pagbawal ko sa kanya habang nagluluto ng almusal. "keep your voice down, Zey. Pag yun nagising.."

"Edi mabuti! Para makausap natin!" She giggled.

"Tumahimik ka na nga diyan." Umirap ako at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Ang gwapo niya talaga sa malapitan! Ang gwapo niya rin kahit natutulog." She said.

"Mukha ngang anghel kapag natutulog eh.." Pero kapag gising, nagiging demonyo.

Pinatay ko na ang apoy at nilapag sa lamesa yung niluto kong almusal. Magsasalita pa sana si Zeya nang may narinig kaming kalabog mula sa kwarto ko.

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling tumakbo papunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay nasa sahig na si Sir Griffin at nakadapa.

"Sir Griffin!" Sabi ko bago siya nilapitan. "nahulog ka po ba?"

"Ah, hindi. Nagpupush-ups lang," Sarkastiko niyang sabi kaya napairap ako. Tinulungan ko naman siyang makabangon. "your bed is too small."

"Aba, nakitulog ka na nga lang, nagrereklamo ka pa." See? Nagiging demonyo pag nagising.

"Whatever," He said. "can I shower first? May damit ka bang kakasya sakin?"

"Hmm, baka may natitira pang damit dito si Kuya Zaide." Sabi ko bago nilapitan yung closet ko at naghanap ng damit.

"Who's Zaide? May lalaking nakatira dito? This is your room, right? Are you sleeping together?" Sunod sunod niyang tanong.

Natuwa ako nang may mahanap akong shirt sa ilalim ng mga damit ko kaya kinuha ko yun at binato sa kanya.

"Kuya Zaide is Zeya's older brother. Dito siya nakatira noon, lumipat siya nung ikinasal na siya at binigay kay Zeya tong apartment niya," Sabi ko habang nakahalukipkip. "may tanong ka pa ba, Sir?"

"Wala na," Sabi niya kaya tumango ako. "where's the bathroom?"

Tinuro ko yung banyo gamit ang nguso ko. "May shampoo at sabon na diyan. Wag kang maarte, ha?"

Umirap siya bago kinuha yug tuwalyang hinanda ko para sa kanya at pumasok sa banyo. Lumabas na ako sa kwarto at umupo na sa lamesa para kumain ng almusal.

Napansin kong nakangisi sakin si Zeya habang may kagat na pandesal. "What?" I asked, my eyebrow raised.

"Ano? Binigyan mo ba ng goodmorning kiss? Natagalan ka eh." She teased.

I rolled my eyes. "Nag-iinarte kasi tas maraming tanong," Sabi ko. "san ka ngayong umaga?" Pag-iiba ko ng topic.

"Maghahanap ng boylet," She giggled. "joke, maghahanap ng bagong raket o trabaho para satin."

"Bagong raket..." Bulong ko. Naalala ko naman yung sinabi ni Sir Griffin sakin tungkol sa trabaho ko sa bar.

"Oo, bakit? Sama ka?" Tanong ni Zeya.

"Sama saan?"

Biglang dumating si Sir Griffin dito sa kusina. Bahagyang napatalon si Zeya sa kanyang upuan nang magsalita si Sir Griffin.

"Hello po, Sir G-Griffin," Nahihiyang sabi ni Zeya. "maghahanap lang po ng raket or trabaho."

"Trabaho?" Tinaasan ako ng kilay ni Sir Griffin bago umupo sa tabi ko. "you're going to work at the bar permanently, remember?"

"Um." Napatingin ako kay Zeya. Zeya glared at me, for sure nagulat to. Hindi ko kasi nasabi sa kanya to, di ko naman alam na seryoso pala si Sir Griffin dun sa sinabi niya.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon