FIFTH

4.9K 192 13
                                    

LIAR

"Pucha! Bat ganon? Ang panget neto sa mannequin pero ang sosyal tingnan sayo. How to be you po, teh?" Natatawang sabi ni Zeya bago naglagay ng lipstick.

Kakatapos ko lang magbihis at mag-ayos, pumunta ako sa kwarto ni Zeya para tingnan kung tapos na siya.

Simple lang ang suot ko kaya hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Isang tight blush dress ang suot ko. Medyo kulot ang buhok ko dahil nakapusod ito ng ilang oras. Gusto akong pasuotin ng heels ni Zeya kaso ayoko. Magdidinner lang naman kami kasama sina Kuya Zaide at Ate Carmina. Sobra na kung maghheels pa ako.

Siya naman ay nakapulang dress tas nakaheels pa. Oh, diba? Papansin mashado. Nakamessy bun ang kanyang buhok at sobrang pula ng kanyang labi. Siguro may date pa to after ng dinner namin.

Nang matapos siya ay agad din kaming umalis. Nagtaxi na kami dahil nakakahiya namang magjeep tas ganito itsura namin. Ultra papansin na kami.

Nang makarating na kami sa restaurant, napanganga ako nang makababa ako mula sa taxi.

"Zeya!" Napasigaw ako kaya bahagya siyang napatalon sa gulat. Nabitawan niya pa yung wallet niya.

"Ano!" Inis niya akong nilingon. Padabog niya namang nilagay ang kanyang wallet sa kanyang bag. "walangya ka! Bat bigla bigla kang sumigaw diyan?"

"Bat tayo nandito?! Sure ka bang dito tayo kakain kasama sina Kuya Zaide?!"

Bakit ako gulat na gulat? Eh nasa Shangri La lang naman kami.

Ngumisi siya at tinapik ang balikat ko. "Dito talaga tayo kakain kasama sina Kuya. Ano ka ba! Big time na yun, di ka ba nagfafacebook?"

"Ano bang trabaho ni Kuya Zaide?" Tanong ko na nakakunot ang noo ko.

"Aba, sikat na doctor yan si Kuya sa States! Pareho silang doctor ni Ate Carmina kaya mayaman na sila." She giggled. Proud na proud siya, oh.

"So galing pa pala sila ng States?" Bat ang dami kong di alam!

Napairap siya. "Ewan ko nga sayo, Trinity. Galing ka ba sa bukid?" Hinila niya na ako papasok.

"Kung ganon, eh bat di ka nalang sumama kay Kuya Zaide? Mukhang mas gaganda ang buhay mo dun sa States. Matutulungan ka siguro ng kuya mong makahanap ng trabaho dun." Sabi ko habang naglalakad kami.

Napatigil siya kaya napatigil din ako. "Teka nga, pinapaalis mo na ba ako, Trin?"

Sinapak ko siya. "Gaga, hindi! Gusto ko lang na gumanda ang buhay mo. Di yung paraket raket lang. Gusto kong kasing-ayos ng trabaho ni Kuya Zaide yung trabaho mo." I smiled.

Ngumuso siya para pigilan ang sarili na ngumiti. "Pisti ka, wag mo nga akong paiyakin. Nakamakeup ako!" Kinurot niya ako kaya natawa ako. "hindi ako sasama sa kanya sa States, noh. Pake ko naman sa trabaho niya? Masaya naman ako sa trabaho ko ngayon. Walang stress tsaka napakastressful daw dun. Ayaw din kitang iwan, noh." She winked.

I giggled. "Liwba! Okay lang naman ako dito. Tsaka, wait," Napamewang ako. "ang yaman pala ng Kuya mo, nagpapadala ba ng pera sayo yun?"

"Shempre! Mahal kaya ako nun."

"Malaki ba ang pinadadala niya?" I raised an eyebrow.

"Oo," She frowned. "teka, bakit?"

"Yun naman pala! Eh bat ka nagtitiis sa ukay ukay?" I rolled my eyes.

Nakakainis tong babaeng to pero nakakaproud din dahil sobrang simple lang ng bestfriend ko. Hindi magastos.

"Mas mura kasi tsaka magaganda naman sa ukay." Tumawa siya.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon