TWENTY FIRST

3.9K 176 43
                                        

HAPPY

Nasa kotse niya na kami. Tahimik lang kaming dalawa sa loob. Nakasandal ang ulo ko sa bintana habang nakatingin sa labas.

Umamin na din siya sakin na sinusundan niya raw ako. Nalaman niya kasi yung cafe na tinatrabahuan ko. Sinabihan niya si Kuya Cardo na hanapin ako eh.

Ang galing din ni Kuya Cardo, nahanap niya ako.

Day off niya ngayon kaya sinundan niya ako buong araw. Kung yung iba sasabihing creepy, ako naman sasabihin kong nakakakilig. Huy, Griffin Torres na yan!

"So," Tumikhim ako. Mashado na kasing tahimik dito sa kotse. Nakakabingi. "pano na si...si ano...si Chiel?"

"What about her?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin lang siya sa daan.

"Si Chiel. Hindi ba girlfriend mo siya? Pano na yan? Anong gagawin natin kapag nalaman niyang dun ako tumiti--.."

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang itigl ang kotse sa gitna ng daan. Buti walang kotse sa likuran namin.

"Damn." Rinig kong bulong niya.

"Siraulo!" Hinampas ko ang kamay niya. "nababaliw ka na ba?! Bat bigla bigla kang tumigil?!"

Tumingin siya sakin at umirap bago nagmaneho ulit. Aba, matinde!

"You really are dumb, Trinity." Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.

I frowned. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Dumb?! Why am I dumb?!"

"What made you think that Chiel's my girlfriend?" Ngumisi siya bago sumulyap sakin.

"Duh! Nakikita ko kayo sa tv na sobrang sweet. Sobrang sweet mo sa kanya!" Nakakapikon! "tas yung instagram post pa ni Chiel. Hmp, boo raw. Boowiset kayong dalawa." Umirap ako.

Tumawa siya. "Why? Are you jealous?"

"Jealous?" Malamang! Wag kang tanga, Griffin. "hindi."

"Liar," He grinned. "she's not my girlfriend, Trinity."

"Hindi raw! Nakikita ko sweetness niyo sa tv. I'm not blind." I crossed my arms.

"Yeah, you're not blind but you're dumb," He chuckled. "publicity. Para lang sa publicity ang lahat nang yun."

"Huh?" Tumingin ako sa kanya.

"May balak kasi ang management na gawin kaming loveteam. Sabi nila, kailangan muna naming makuha ang loob ng mga tao bago nila kami ipapares." Sabi niya.

"Bat kailangan mo ng kaloveteam?" Bitter kong tanong.

"More money." Tipid niyang sabi.

"More money? Eh, ang yaman yaman mo na kaya." Di ko nga alam kung bat pa to nagttrabaho. Sobrang yaman na neto.

He shrugged. "I dunno. I like my job, I'm just going with the flow."

"So okay lang maging kaloveteam mo si Chiel?"

"Yeah," He said. "she's fun--.."

"Fun to be with! Oo na! Tinanong ko lang naman kung okay lang, hindi ko kailangan ng explanation." Iritado kong sabi.

Kumunot ang noo ko nang iparada niya sa tabi ng kalsada ang kotse. Inalis niya ang kanyang seatbelt. Nabigla ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan.

Nairita siya nang di ako gumanti. Malamang, nashook ako!

"Kiss me back, stupid." He rolled his eyes.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon