SIXTH

4.1K 191 18
                                    

CAN I

Tahimik lang kami sa loob ng kanyang van. Magkatabi kami pero may maliit na gap sa pagitan namin. Nahihiya akong magsalita dahil pa rin yun sa pagsisinunggaling ko sa kanya.

Hindi ko alam kungbsan niya ako dadalhin kaya magtatanong nalang ako. Natatakot ako pero bahala na.

"Sir Griffin," I said. Hindi siya umimik, nakatingin lang siya sa labas. Lumunok ako at nagsalita ulit. "san niyo po ako dadalhin?"

"I'm taking you home." Malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa labas.

Tumango nalang ako at hinayaang saksakin ng kanyang malamig na tono ang puso ko. Hindi niya ako kayang tingnan.

"Galit ka pa rin ba sakin?" Matapang kong tanong.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "A bit."

"A bit?" I asked.

Tumingin siya sakin. "I can't stay mad at you for too long, Miss Mendez." Halos matunaw na ako sa kanyang mga titig.

"So tampo nalang? Nagtatampo ka sakin?" Hindi ko na napigilang mapangiti.

Umirap siya at nag-iwas ng tingin. "Stop smiling, I'm serious."

"Tamporurut ka pala, Sir Griffin?"

"I'm not," Sabi niya. "and stop calling me 'Sir' just call me Griffin."

"Aba, tinatawag mo nga akong 'Miss Mendez' kahit pwede namang Trinity lang," Sabi ko. "tsaka, ang pangit kasi kung nasa bar ka tas tatawagin kita by your first name. Waitress mo ako, diba?"

"Call me Griffin kung nasa labas tayo."

"Okay, po." I said.

"Drop the 'po,' Trinity." Malamig niyang sabi.

Ay, grabe. Magalang kasi ako, di tulad mo.

"Okay." Ulit ko.

He cleared his throat. "Are you hungry?"

Sasabihin ko na sanang hindi nang tumunog ang tiyan ko. Agad ko namang hinampas ang tiyan ko dahil sa kahihiyan. Napalunok ako at unti unting tiningnan si Sir Griffin. Kagat niya ang kanyang ibabang labi at may konteng ngiti sa kanyang mukha.

Nakakahiya!

"A-Ah..ano.."

"You are hungry," He chuckled. "magtake out nalang tayo sa KFC. Sounds good?"

"S-Sige." Nakng, nakakahiya talaga. Ugh, sa dinami daming tao sa mundo, sa kanya pa.

Inutusan niya ang kanyang driver na magdrive papunta sa pinakamalapit na KFC samin. Sinabi ko na sa apartment nalang kami kumain, nakakahiya kasi kung sa kanila pa, diba? Wala rin naman si Zeya, kaya walang makulit.

"Ako nang bababa." Boluntaryo ko.

"What?" Kumunot ang noo niya. "no, si Manong na ang bababa, stay here with me."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil talo rin naman ako. Kelan ba ako nananalo sa kanya?

Pareho lang kami ng order dahil nahihiya akong magsabi kung anong gusto ko. Tsaka, di ko naman alam kung anong masarap dito at anong hindi. Hindi ako palakain sa fastfood chain eh. Karinderya is life.

Nagpadagdag pa siya ng mga kanin dahil kulang daw ang isa sa kanya. Takaw, ah.

"Where's your friend?" He asked nang makaupo na siya.

"Binisita nila yung mga tita nila kasama si Kuya Zaide. Bukas pa uuwi yun dahil malayo yung lugar napupuntahan nila." Sabi ko habang nilalabas mula sa paperbag yung mga pagkain.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon