ELEVENTH

3.9K 178 56
                                        

GIRLFRIEND

Days later...

"Nasa Italy na si Griffin." Sabi ni Zeya nang makalabas ako sa kwarto ko.

"Oh, tapos?" I asked while scratching my eyes.

Umupo ako sa tabi niya, nanunuod siya ng tv habang may hawak na kape.

"Wala. Pang goodmorning ko sayo," Tumawa siya. "sad ka?"

"Ha? Bat naman ako magiging sad?"

"Eh kasi nasa Italy siya tas isang linggo ata siya dun," Sabi niya bago uminom. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako. "kasama niya pa si Chiel."

Palihim akong umirap. Wala talaga akong pake. "Ano naman sakin yun? Nako, kahit magpakasal sila dun!" Inis kong sabi.

"Luh! Sige ha. Kapag nagpakasal sila dun, matutuwa ka?" Asar niya.

"Hindi," Agad kong sabi pero binawi ko rin. "char lang, gaga. Wala nga akong pake."

"Aysus, wala raw. Tumahimik ka diyan, buhos ko tong kape sayo eh," Tumawa siya. "mag-almusal ka na nga dun, diba may trabaho ka pa?"

Yup, may trabaho na rin ako sa umaga. Mas mabuti yung dalawa ang trabaho ko para makaipon ako ng malaking pera. Sa isang dog cafe ako nagttrabaho, simple lang yung cafe na yun pero maganda. Mababait rin ang mga tao dun. Mas nakakaexcite magtrabaho dun dahil sa mga aso.

"Yup, pero mamayang 10 am pa shift ko. 8 pa oh." Sabi ko sabay nguso sa orasan.

"Bahala ka nga diyan, mabagal ka pa naman maghanda." She said.

"Ay, grabe siya oh." Tumawa ako.

Nilipat niya yung channel at napunta ito sa breaking news.

"Kpop group, BTS, makes history at Billboard Music Awards! Sila ang kauna unahang korean group na nanominate at nanalo sa Billboard Music Awards..."

"Oh, diba idol--.." Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil tumili ng sobrang lakas si Zeya.

Tumayo siya at pumatong sa sofa at tumalon talon. "Ah, nanalo sila!!! Nakakaiyak!!! Nakakaproud!!!! Bumoto ako!!! Bumoto ako!!! Nagtweet ako ng ilang beses tas bumoto rin sa site!!! Huhu, deserve nila to!!! Pakyu haters!!!" Mabilis at malakas niyang sabi.

Natawa ako sa pagiging fangirl ni Zeya. Matagal nang fan ng BTS tong si Zeya pero ni isang album wala siya dahil hindi kaya ng budget niya. Kaya hanggang download nalang muna siya.

"Hay nako, Zey." Napailing ako habang nakangisi.

"Kinikilig ako, tangina!!! Ang gwapo nila, nakakairita!!! Boom rhymes 123 abc!!!" Tumawa siya sa sarili niyang kalokohan. Umupo na ulit siya sa sofa at kumalma pero nung pinakita ulit sa tv ang BTS, pumatong ulit siya sa sofa at tumalon talon. Sumisigaw pa. "Hayop na breaking news to!!! Wala silang respeto sa puso ko!!! Uy, rhymes ulit! Boom rhymes 123 abc!!!"

"Zeya, ang ingay mo." Natatawa kong sabi.

"Luh, siya! Diba army ka din? Diba, diba?" Umupo na siya at tinusok tusok ang tagiliran ko.

"Hindi mashado pero bet ko yung mga kanta nila at naggwapuhan ako kina Taehyung at Jungkook." Ngumisi ako.

Nabigla ako nang tumili siya at at niyugyog ako. "Gago ka!!!! Shiniship mo yung TaeKook, noh! Haluh, ako rin!!"

"Kumalma ka, hoy!" Sabi ko. Agad akong tumayo at naglakad papunta sa kusina. "diyan ka na nga, baliw."

*****

"Trin, pakidala tong dalawang drinks na to dun sa table 4, please!" Sabi sakin.

"Sige!" Sabi ko bago kinuha yung drinks at hinatid dun sa table 4. Maingat kong pinatong sa lamesa yung drinks para hindi masira yung disenyo sa itaas ng cup. "eto na po ang order niyo." I said with a smile.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon