SEVENTEENTH

3.6K 181 93
                                    

IMPOSSIBLE

Weeks later...

Nandito ako sa banyo, sumusuka. Kakagising ko lang tas ito kaagad ang ginawa ko.

Nang maisuka ko na lahat ay finlush ko ito at nagsipilyo. Naghugas na rin ako ng mukha. Binaba ko yung cover ng toilet bowl at umupo dun. Napahawak ako sa tiyan kong maliit pa.

"Bat mo ako pinapahirapan? Don't tell me, magmamana ka sa tatay mong siraulo?" Biro ko.

And manhid ng tatay mo. Hindi man lang niya nasense na may problema ako? 'I'm starting to fall in love with you' my ass. Beast nga talaga, kaso hindi naman ako ang beauty niya.

I sighed before standing up. Napagdesisyonan ko nalang na maligo bago lumabas sa kwarto ko. Dumiretso ako sa kusina dahil nagugutom na ako.

Nadatnan ko naman si Zeya na kaharap ang cellphone niya. May kausap siya, video call ata.

"...opo, Kuya," Sabi niya. Napansin niya namang pumasok ako sa kusina kaya ngumiti siya sakin. "goordmorning, future madershkie!"

"Goodmorning, Zey." I smiled.

"Kuya, gising na si Trinity. Tatawag lang ako bukas, ipaghahanda ko na muna to ng pagkain." Sabi niya naman kay Kuya Zaide.

Lumapit ako kay Zeya at kinawayan si Kuya Zaide. "Hi, Kuya Zaide! Thank you talaga sa pagpapatuloy sakin, tsaka sa pagtulong sakin dito sa pagbubuntis ko." Sabi ko.

"Wala yun, Trin. Basta, mag-iingat ka palagi, ah? Kumain ka ng mga masustansyang pagkain." Paalala niya.

"Opo, Kuya," Tumawa ako. "si Ate Mina po?"

"Tulog na, gabi na kasi rito." Sabi niya sabay sulyap sa tabi niya.

"Ay, sige. Matulog ka na po." Ngumiti ako bago kumaway ulit.

"Mag-iingat kayong dalawa," Sabi niya naman. "oy, Zeyaya, alagaan mo yang si Trinity, ah? May cargo yan." Tumawa ng mahina si Kuya.

Natawa naman kaming dalawa ni Zeya. "Oo na, Kuya. Goodnight na nga."

Kumaway samin si Kuya Zaide bago binaba yung call. In-off na ni Zeya yung phone niya at tumayo.

"Huy, ayos lang naman kung ako nang magpprepare ng breakfast ko." Sabi ko naman.

Pinitik niya ang noo ko. "Hindi, dapat ako. Alam ko kasing kung ano ano lang ang kakainin mo. Rinig mo si Kuya, diba? Kumain ka ng mga masustansyang pagkain." Pang-aasar niya bago binuksan yung ref.

"Anong gagawin mo? Please, Zeya, wag yung masusuka ako." Ngumuso ako.

"Masarap to! Healthy pa." Sabi niya habang kumukuha ng pagkain sa ref. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang puno ng gulay ang lalagyan nito.

"Zey, bat biglang napuno ang lalagyan ng gulay? Kagabi, puro kangkong lang yung nandiyan, ah." Tumawa ako.

"Namalengke kasi ako kaninang madaling araw," Sabi niya bago sinara ang ref. "gusto ko kasi maging healthy ang inaanak ko pati na rin ikaw."

Napangiti naman ako, di ko namalayang tumulo na pala luha ko. Damn, hormones! Ginagawa akong oa. Nilapitan ko si Zeya at niyakap ng mahigpit.

"Zeya naman, wag mo naman akong paiyakin."

"Ang arte mo!" Sabi niya bago nilagay yung frying pan sa stove at nilagyan ng mantika. "kunin mo nga yung phone ko at speaker at magplay ka ng bts songs para ganahan akong magluto." Tumawa siya.

"Kahit labas sa isip ko, sige." Biro ko bago kinuha ang speaker at phone niya sa kwarto niya.

Una kong dinampot ang speaker niya na nasa desk lang tas yung cellphone niya na nakapatong sa kama.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon