SIXTEENTH

3.7K 197 107
                                    

POST

"Griffin!" Nilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya at sinubukan siyang ilayo sakin. "teka! Ano ba!"

"That's.  Your. Punishment," Mariin niyang sabi sakin. "where the hell were you, woman?! Hindi na ako pumunta sa shoot ko para lang hanapin ka!"

"Bakit?! Sino bang may sabing hanapin mo ako!" Pilosopo kong sabi. "tumabi ka nga diyan, nakakairita yang pagmumukha mo." Sabi ko bago siya tinulak at sinaksak yung susi sa doorknob.

"What the--..I'm so fucking pissed and now you're just going to....unbelievable! You're unbelievable! Hindi ba dapat ay lalambingin mo ako?!"

Bago pa ako makapasok sa loob ng unit namin ay hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Pwede ba?! Wag kang sigaw nang sigaw. Storbo ka sa mga kapitbahay namin eh." Sabi ko bago tuluyang pumasok.

Isasara ko na sana ang pinto para hindi na siya makapasok pero agad siyang pumasok sa loob. Napairap ako bago sinara ang pinto.

Inikot niya ang kanyang tingin sa buong apartment at hinarap ako. Nakakunot ang kanyang noo.

"What happened here?"

Nakatakip kasi ang mga furnitures ng tela para hindi malagyan ng alikabok. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad papunta sa kwarto ko. Sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

Nako, baby. Konteng konte nalang at mahahampas ko na tong tatay mo.

Agad kong kinuha yung prenancy book sa drawer ko. Pagtalikod ko ay napatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw sa harap ko si Griffin.

"Wag ka ngang manggulat!" Inis kong sabi.

Aalis na sana ako nang pigilan niya ako. Tinago ko yung libro sa likuran ko.

"What's that?" Tiningnan niya ang kamay kong nasa likuran ko.

"Wala! It's none of your business." Mataray kong sabi.

Tinaasan niya ako ng kilay. Binitiwan niya na ako kaya nagtaka ako. So, hahayaan niya na akong umalis? Good! 

Naglakad na ako papunta sa pinto pero bago pa ako makalabas ay bigla niyang inagaw sakin yung libro.

Shit! Nakuha niya yung libro! Nakuha niya!

He immediately frowned when he saw the book. Agad niya akong tiningnan na nakasimangot.

"Why...why do you have this?" Kunot noo niyang tanong.

"Wala ka nang pakielam dun." Sinubukan kong agawin sa kanya yun pero tinaas niya ang libro para di ko maabot.

"Tell me. Why do you have this?" Mariin niyang tanong. "you better tell me the truth or else."

"K-Kasi ano!" Holy tae talaga, Trinity. Patay ka na. "kay Ate Mina yan!"

"Ate Mina?" Tinaasan niya ako ng kilay. "who's that?"

"Asawa ni Kuya Zaida, yung Kuya ni Zeya. Hindi pa siya buntis pero bumili na siya niyan just in case." Kinagat ko ang labi ko.

Naalala ko naman yung sabi niya sakin noon na ayaw niya sa mga sinungaling. Lumunok ako. Bahala na, alam ko namang ihhate niya ako lalo sa gagawin ko. Yung pagtago ko sa anak niya, o baka nga mas matutuwa siya dahil wala siyang problema.

"Then why do you have it? And what happened in this place? Nasan ang mga gamit mo? Where is Zeya?" Sunod sunod niyang tanong.

Agad kong inagaw ang libro sa kanya at dali daling lumabas sa kwarto pero nahabol niya ako.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon