THIRTY THIRD

4K 125 11
                                    

PERFECT

"Goodmorning," Bati sakin ni Zeya habang nagkakape siya dito sa kusina. "oh, bat ganyan itsura mo? Para kang zombie."

"Nanaginip ako kagabi tas nahirapan akong matulog balik," I sighed. Karga karga ko ngayon ang gising gising na si Tania. Pinaupo ko siya sa lamesa at sinubo sa kanya ang pacifier niya. "may kape pa ba?"

"Oo, nandiyan sa counter," Sabi sabay turo dun. "anong klaseng panaginip ba yun?"

"Nightmare," Sabi ko habang nilalagyan ng kape ang mug ko. Kumuha ako ng pandesal at kinagatan yun. "yun na ata ang pinakamakatakot kong panaginip." Sabi ko sabay inom sa kape ko.

Kwinento ko naman ang lahat kay Zeya. Sabi niya creepy daw yun at nakakakaba.

"Pero panaginip lang yun, Madersh. Sabi ni Ate Carmina na kung ano raw yung nasa panaginip mo, ang mangyayari sa totoong buhay ay kabaliktaran nun." She said before kissing Tania.

"Sana nga, Zey. Nakakatakot kasi talaga yun, parang totoo." Sabi ko.

"Hoy, mashado kang nega! Hinding hindi pipiliin ni Griffin si Chiel, noh." She smirked.

I pouted. "Pano mo naman nasabi?"

"Basta, alam kong hindi niya pipiliin si Chiel," She finished her coffee before smiling at me. "trust me." Sabi niya bago kumindat.

*****

Weirdo talaga tong si Zeya. Pinilit niya nanaman akong magmall ngayon dahil bibili daw kami ng susuotin ko mamaya sa dinner. And yes, tuloy na tuloy na ang dinner namin nina Raven at Zeya. Iiwan lang namin sa Mommy ni Raven si Tania.

Nasa mall nanaman kami, nandito sa isang boutique na puno ng mamahaling dress. Tulak tulak ko ang stroller ni Tania habang tumitingin ako ng dress. Si Zeya naman ay nasa kabilang aisle, may kausap sa cellphone.

"Ish." Rinig kong sabi ni Tania. Ngumiti ako bago pumunta sa harapan ng stroller at lumuhod.

"Hay, nako. Niluwa mo nanaman ang pacifier mo." I chuckled. Binalik ko naman ang pacifier sa bibig niya at nilaro ang paa niya. Napangiti ako nang tumawa siya kaya nahulog nanaman ang pacifier niya sa lap niya.

Binalik ko nanaman ang kanyang pacifier sa bibig niya bago tumayo at tumingin ulit sa mga damit. Kinuha ko yung dress na natitipuhan ko bago tinulak yung stroller ni Tania papunta sa kinaroroonan ni Zeya.

"....bakit niya kasi kinancel yung dinner kagabi? Planado na eh....oo, magkasama kami. Bumibili kami ng maisusuot niya mamaya....akong bahala..."

Kumunot ang noo ko. "Zey, sino yan?"

Bahagya siyang napatalon sa gulat at agad na nilayo ang cellphone niya mula sa kanyang tenga.

"H-Ha? Ah, wala, si Raven yun. Nangangamusta," She smiled at me. "kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi naman," Sabi ko sabay taas nung dress na hawak ko. "ano sa tingin mo?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Huy! Mashadong maiksi! Magagalit sakin si--..este baka masilipan ka niyan, Madersh."

"Pero sayang kasi ang cute, oh." I pouted while looking at the dress.

"Mahal ko pa ang buhay ko, teh." Bulong ni Zeya at hindi ko narinig.

"Hmm? Ano yun?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang dress.

"A-Ah, wala! Hehehe," She grinned. "may nakita akong dress na bagay na bagay sayo, perfect ding pang dinner to." Sabi niya sabay ngisi.

*****

"Bat parang bongga ang look na binigay mo sakin tonight tas sayo, wala mashadong effort?" I frowned.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon