TWENTY FOURTH

4.7K 164 19
                                    

OFFICIAL

"Alam na ba niya?" Tanong ni Zeya sakin bago binuksan yung pringles na binili namin ni Griffin kanina sa mall.

"Hindi pa," Sabi ko habang tinutupi yung mga tuyong damit na nilabhan ko kanina. "hindi ko nga alam kung sasabihin ko sa kanya."

"Sabihin mo, madersh! Para malaman ni Griffin na demonyo yung Manager niya." Umirap si Zeya bago kumain.

"Sobra ka naman," Tumawa ako. "ewan ko, Zey. Ayoko kasi ng gulo tsaka ayokong sirain ang relasyon nila ng Manager niya. Mukhang close sila mashado eh."

"Luh! Close my ass. Alam kong ikaw ang pipiliin ni Griffin, hindi yung impaktang yun." Sabi niya.

"You never know." Mahina kong sabi.

"Ang nega mo, madersh. Obvious naman talaga na ikaw ang pipiliin ni Griffin. Sinabi niya sayo na mahal ka niya, diba? Tas dito ka pa pinatira sa condo niya. Ikaw rin ang ina ng anak niya." Sabi ni Zeya bago ako pinitik sa noo.

"Hindi ko nga alam kung naniniwala na talaga siya na siya yung ama ng dinadala ko." I sighed.

"Gaga! Malamang naniniwala na, kaya ka nga pinatira dito, diba?" Umirap si Zeya.

"Ay, ewan!" I groaned. "basta. Magpapatest pa rin ako tas ibibigay ko kay Griffin. Kahit alam kong siya talaga ang ama ng bata, gusto kong mapatunayan pa talaga yun gamit ang isang strong evidence. I want him to stop doubting."

"Kahit naiinis ako na magpapatest ka pa, sige nalang. Go. Kung diyan tatahimik ang kaluluwa niyong dalawa." Tumawa siya.

*****

Nakaalis na si Zeya dahil kailangan niya nang magtrabaho. Ayoko sana siyang paalisin pero kailangan. Naiinggit tuloy ako, nakakamiss din kasing magtrabaho.

Nandito lang ako sa kwarto namin ni Griffin, nakahiga habang nanunuod ng BTS videos sa laptop ni Griffin. Sobrang bored na kasi ako at ilang araw akong hindi nanunuod ng videos nila.

"What's up guys."

"Oh, come on! Shit down, shit down!"

"Talkeu, let's go! Oh, Rap Monster!"

"Album introduceu pleajeu."

Tumawa ako ng malakas habang pinapanuod sina Taehyung at Jungkook sa ASC. Hindi ko rin kinaya yung 'shit down' ni Taehyung.

Nanunuod ako ng try not to laugh challenge videos ng BTS para lang matawa. Alam kong challenge ito pero gusto ko matawa eh.

Namimiss ko na rin kasi si Griffin. Punyeta naman kasi, anong oras ba uuwi yun galing sa meeting nila?

Tss, for sure kasama niya rin si Chiel. Agh! Bat kasi kailangan pang ipares si Griffin sa iba?

Inalis ko muna sa utak ko yung thought na magkasama si Griffin at Chiel. Nagfocus nalang ako sa panunuod ng BTS videos.

Hay nako, Zeya! Kasalanan mo ang lahat ng to. Sinisira na ng BTS ang buhay ko.

Habang nanunuod ako ay tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sakin kaya kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan yung caller.

Griffin calling...

I smiled before answering the call.

"Hello?"

"I miss you."

"Wala man lang hello?" Tumawa ako. "I miss you too. What time are you coming home?"

"I'm actually on my way home right now. Anong gusto mong pagkain?"

"Ikaw." Ngumisi ako.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon