Winter and Cloud on the media ^___^
Enjoy the UD for today! Lovelots readers!
Continue reading PID ^___^
Read.Vote.Comment
-cutelittletiger18
Rain's P.O.V
Naiwan ako dito sa seaside na nakaupo habang umiiyak. Ang sakit pala. Sobrang sakit. Bakit ba kasi hindi ako umamin sa kanya? Naaalala ko pa nung sinabi niya sa akin na manliligaw siya.
Flashback
Kakatapos lang namin mag truth or dare. Actually hindi talaga truth or dare yun. Hahaha naging dare or dare na ehh haha. Kinalimutan si truth. Pero nakaka-enjoy. Kakapagod nga lang. Tutulong na sana ako sa paghahanda ng dinner namin ng bigla akong hilain ni Sky. Dinala niya ako sa garden. Umupo ako sa isang bench doon at tumabi naman siya sa akin.
"Bakit mo ako dinala dito Landi?" Nagtatakang tanong ko. Ang seryoso ng mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso ng ganito.
"Diba sabi mo kanina Sweetie bibigyan mo ako ng chance na ligawan ka kapag nagbago ako?" Sky. Okay? Ang seryoso niya naman. Hindi ako sanay.
"Oo sinabi ko nga yon." Sabi ko. Don't tell me manliligaw siya?
"Paano kung nagbago na ako at niligawan kita. Sasagutin mo ba ako?" Sky. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil ayokong malaman niya na mahal ko na siya. Oo tama kayo mahal ko na siya. Mabilis ba? Alam ko naman yun pero iba talaga kapag nagmahal ka na.
"Uhmm siguro. Kung magbabago ka talaga." Sabi ko. Nakita ko naman na napangiti siya. Ngumiti din ako. Ang sarap pala ng feeling na nakikita mong nakangiti yung taong mahal mo.
"Papayag ka ba kung liligawan kita?" Tanong niya. Tumango ako. At nakita ko na lalong lumawak yung ngiti sa mga labi niya.
"Yes! Promise Sweetie magbabago talaga ako para sayo. I will never fail you Sweetie." He said. While smiling widely.
"Sabi mo yan ahh. Aasahan ko yan Landi." Sabi ko.
"Oo naman Sweetie. I love you Sweetie ko!" Sabi niya. Syempre wala pang I LOVE YOU TOO. Swerte naman niya no. Kakaligaw pa lang niya may ganon na. No! Pakipot mode muna ako ngayon hahaha.
"Tara na tulong na tayo sa loob baka magtalak na naman si Winter ehh. Alam mo naman yun sobrang ingay." Sabi ko. Natawa naman siya. Ang cute niya kapag tumatawa siya. Kinuha ko yung cellphone ko at vinedeohan siya habang tumatawa.
"Tara na nga. Gutom na ako ehh." Sabi niya. Takaw talaga neto hahaha. Bumalik na kami sa loob at tinulungan na namin sila sa paghahanda ng dinner.
Flashback ends
Sana pala sinabi ko na sa kanya dati pa. Ehh kung hindi kasi ako pakipot ehh. Edi sana masaya kami ngayon at kagaya na namin sina Autumn and Ice. Pero di ko lubusang maisip na susuko na siya kaagad. Siguro sobra na siyang nasaktan dahil dun sa sinabi ko. Bakit ba kasi ang laki ng galit ko sa mga casanova? Kasalanan to ng bwiset na malanding Dwight na yun. Di pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Rain tahan na." Snow. Niyakap ko naman siya at humagulgol. Naramdaman ko naman ang paghimas niya sa likod ko.
"Kasalanan *sob ko to *sob kung inamin *sob ko na sa kanya*sob na mahal ko na siya. *sob Hindi sana siya *sob lalayo sa akin." Paputol-putol na sabi ko. Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Bakit? Bakit ba kasi ang pakipot ko? Bakit ba kasi nahihiya akong umamin. Hindi na sana humantong sa ganito.
![](https://img.wattpad.com/cover/91365138-288-k198734.jpg)
BINABASA MO ANG
Princesses In Disguise
Teen FictionApat na Campus Princesses na magaganda, mayayaman, simple, elegante at mababait. Mayroon silang mga horrible pasts. What if their horrible pasts doesn't want to leave them. They are receiving death treats. Four princes will come and change their li...