Snow Juliet Park on the media ^__^
Enjoy the UD for today! Thank you readers for reading PID. Love you all!
Read. Vote. Comment
-cutelittletiger18
Winter's P.O.V
Nandito parin ako sa labas ng hotel at umiiyak. Hindi ko alam kung gusto niya ba ako. Kung mahal niya ba ako. Ang sakit pala kapag wala kang alam at wala kang maintindihan. Naramdaman ko na may yumakap sa akin at alam ko na si Snow ang yumayakap sa akin.
"Sshh tama na Winter." Snow. Lalo lang akong naiyak sa sinabi niya. Tang*na ngayon lang ako umiyak dahil sa lalaki! Nung nag-break kami ng ex-boyfriend ko hindi man ako umiyak!
"Pasok na tayo sa loob, baka malamigan ka pa."Autumn. Tumayo na ako at yinakap si Snow at humagulgol. Di ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko. Litong lito na ako, wala akong maintindihan sa mga pinapakita niya. Kapag inaasar niya ako feeling ko parang enemies lang kami. Pero sa pinakita niya kanina naramdaman ko na gusto niya ako. Na mahal niya ako. Pero sino ba ako para mag assume?
"Tahan na Winter, magiging mangkukulam ka na niyan sige ka!" Rain. Pinunasan niya yung mga luha ko. Dahil dun sa sinabi niya bahagya akong natawa dahil yun din yung sinabi ko sa kanya nung siya yung umiiyak.
"Smile lang Ate Winter. Matatapos din yang kadramahan mo." Fretzie. Ngumiti naman ako, a fake one. Hindi ko kayang pilitin na ngumiti kahit di ako masaya. At alam kong naiintindihan naman nila ako.
Pumasok na kami sa loob ng hotel at pumunta na kami sa suite namin. Kasama din namin yung boys, pero yung lalaking mahal ko wala. Nandito lang kami sa sala, nagpa-pakiramdaman kami. Di kasi namin alam kung ano ba ang dapat gawin o sabihin.
"Winter kapag hindi ka tumigil sa kakaiyak mo ipapatapon kita sa pluto!" Rain tapos tumawa yung iba, ako lang ang hindi. Alam kong sinusubukan nilang pagaanin yung nararamdaman ko pero hindi sapat yun.
"Ito nalang magtatanong ako kapag nasagot niyo bibigyan ko kayo ng isang libo!" Sky
"Ay gege!"silang lahat. Kailangan ko nunang kalimutan yung nangyari kanina. Makikisali na muna ako sa mga kalokohan ng mga kaibigan kong abnormal.
"Sali ako!" Sabi ko at pinunasan ang mga luha ko at ngumiti. A real one this time dahil alam kong ginagawa nila lahat ng ito para gumaan ang nararamdaman ko.
"Ayos kasali si Winter! So ito yung tanong. Ano ang mangyayari sa pulang bato kung itatapon sa asul na ilog?" Sky
Hmmm? Pulang bato sa asul na ilog? Anong mangyayari?
"Alam ko na!" Autumn
"Sige nga anong sagot?" Tanong namin
"Syempre magiging kulay violet!" Autumn. Well, pwede red plus blue equals violet.
"Tama ba?" Tanong ko. Ngumiti si Sky.
"Mali!" Sky
"Wengya Mine magiging violet hahahaha! Mali talaga yun." Ice. Napangiti nalang ako nang malaman ko na yung sagot. Hahaha leche yun lang pala yung sagot. Kung anong sagot? Secret muna hahahaha.
"Tama yung ginagawa mo Winter maging masaya ka muna mamaya muna isipin yang problema mo!" Bulong ko sa sarili ko.
"Sige nga Ice anong sagot?" Snow

BINABASA MO ANG
Princesses In Disguise
Teen FictionApat na Campus Princesses na magaganda, mayayaman, simple, elegante at mababait. Mayroon silang mga horrible pasts. What if their horrible pasts doesn't want to leave them. They are receiving death treats. Four princes will come and change their li...