Bago kayo mag-basa iready nyo muna ang sarili nyo sa mga susunod na mangyayari!
#Warning!
__________________________
Jane's POV:Halos Hindi na ako maka-hinga ng maayos ng marinig ang pag-bukas ng pinto. Kanina ko pa hinihintay Si jungkook na dumating balak ko sana siyang kausapin. Ngunit nangunguna parin ang kaba saakin.
Pag-kalingon ko ay sinalubong ako ng galit na mga tingin ni jungkook. Tumayo ako sa kinauupuan ko, at palapit naman saakin Si jungkook. Sinusubukan Kong mag-salita pero kahit Anong buka ng bunganga ko ay walang lumalabas. Mas lalo akong kinabahan ng nasa unahan ko na siya.
"Look what you've done!" Galit na sigaw niya saakin. Galit na galit na siya saakin at namumula na rin ang mukha niya. At ito naman akong namumutla na sa sobrang takot.
"Wala akong ginagawang masama" natatakot na sabi ko sakanya. "Wala? Kaya ba umalis Si Valerie ng dahil sayo?!" Bawat salitang binibitawan ni jungkook ay puno ng galit. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit samantalang dapat ay nasa side ko siya dahil siya ang ama ng anak ko. "Pero jungkook--" napa-hawak nalang ako sa pisngi ko nang bigla niya akong sampalin. Marahas akong tumingin sakanya. "At sa Valerie kapa nayon kumakampi?" Sigaw ko, Hindi ko na napigilan ang galit ko dahil sumusobra na siya. Hindi siya nag-salita at tinulak ako dahilan para mapa-subsob ako sa carpet. "Ahhh!" Halos maiyak na ako nang hilahin niya ang buhok ko patayo.
"Hindi basta-bastang tao Si Valerie kaya wala kang karapatan para umastang mahal kita" pag-kasabi niya non ay tinulak niya ako papuntang sofa. Sinubukan Kong tumayo pero agad niya akong sinampal. "Nagalit ulit saakin Si Valerie!" Sigaw niya at tinulak ulit ako, dahilan para tumama ang pisngi ko sa gilid ng mesa. Napa-hawak nalang ako sa parteng yun at naka-ramdam ng kirot. Tiningnan ko ang daliri ko at nakita ang dugo. Hinayaan ko lang yon dahil para na akong manhid sa pinag-gagawa niya saakin.
"Tama na!" Sigaw ko, ngunit hindi niya ako pinakinggan at hinawakan ako sa braso. "Ayos na sana kami kung Hindi dahil sayo!" Sigaw niya at tinulak ulit ako. Tumama ang tagiliran ko sa mesa na pinag-lalagyan ng mga picture frame, may mga picture namin yun ni jungkook nung kasal namin. Dahil sa pag-tama ko sa mesa ay nalaglag ang mga frame at nabasag ito.
Hinawakan ko kaagad ang tiyan ko at sinusuri ang sarili ko kung may dugo na lumalabas saakin. "Balak mo ba kaming patayin ng anak mo?!" Sigaw ko. Napangisi nalang siya sa sinabi ko. "Anak?! Oo! Mas gusto ko pa kayong mawala, dahil ginugulo niyo ang buhay ko!" Sigaw niya. Hindi na napigilan ng mga mata ko ang lumuha dahil sa mga salitang binitawan niya. Yun ba ang gusto niya? Sa una palang ba, ay yun na ang hiling niya? Halo-halong emosyon ang nasa-saakin. Galit, inis, pag-hihirap at kung ano Anong emosyon pa.
Napa-daing naman ako nang i-atras ko ang paa ko at natapakan ang piraso ng mga bubog galing sa mga frame na nalaglag. Napatingin ako sa paa ko at na-kitang nag-dudugo na ito.
Bigla naman akong itinulak ni jungkook sa pader at agad na hinawakan ang leeg ko. Hindi na ako maka-hinga sa pananakal na ginagawa niya.
Halos malagutan na ako ng hininga bago niya ako bitawan. Hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa panlalabo ng mga mata ko. Bago pa man ako mawalan ng Malay ay nakita ko ang pag-bagsak ni jungkook sa sahig.
________________
Huhuhu~ sorry kung medyo harsh.Pero okay lang yan dahil Hindi naman kayo ang nabugbog. Jungkook stan ! Sorry!
BINABASA MO ANG
Jungkook's Wife | completed
FanfictionWhat if your Jeon Jungkook's WIFE. Everyone seems to be happy for you, but deep inside it's an hard task. Jungkook didn't even bother to love you. And that night was just all MISTAKE? TAGALOG Story. Please read~❤