[ 26 ] Jungkook's Wife

16.8K 319 9
                                    

Jane's POV:

"Saan naman ako matutulog?" Tanong ko

"Sa kwarto nating dalawa"

"Doon ba? Saan----- KWARTO NATING DALAWA?!" nagulat naman si Jungkook sa Biglang pag-taas ng boses ko. Nahihibang na ba siya? Sa kwarto namin? Kahit isang beses ay Hindi ko pa naranasang makatabi siya sa pag-tulog! Ay Mali pala, naka-tabi ko na pala siya.

Kahit na! Matagal na yun. Baka imbes na maka-pag-pahinga ako ay mapuyat pa ako dahil katabi ko siya. Imbes na beautiful dreams ay nightmare naman ang mapanaginipan ko.

"Oo, wala narin namang ibang kwarto dito" sabi niya at tumungo. Nag-mukha tuloy siyang bata. "Sa sala nalang ako matutulog" sabi ko at mamartsa na sana papuntang sala ng harangin niya ako. "No! Your going to sleep with me!" Nabigla naman ako sa Sinabi niya. Nakakatakot siya, promise!

Hindi na ako nag-salita at umakyat nalang sa taas. Sumunod naman siya dala-dala ang iba pa naming maleta.

Pag-bukas ko ng pinto ay isang black ang white na kwarto ang bumungad saakin. Wow! As in Daebak! Ang ganda at super linis pa, idagdag mo pa ang mabangong hangin. Habang naglalakad sa loob ay nililibot ko ang mata ko. May sofa, TV ,Walk in closet, Mini table, Air-conditioner, at iba pang mga gadgets.

Dumako ang tingin ko sa kama. Ayos Lang naman ang laki niya. Hindi siya king size bed yung sakto Lang sa dalawa.

Naalala ko tuloy yung unang gabi na magkasama kaming matulog. Ang masaklap pa ay isang pag-kakamali Lang ang gabing yun. Pero nagpapa-salamat ako dahil nangyari ang pag-kakamaling iyon, dahil ang pag-kakamaling yon ay si Alexander na Hindi Kailan man ko pinag-sisihan. Kung sa lahat ng pag-kakamali, si Alexander na yata ang pinaka-magandang pag-kakamali na dumating sa buhay ko.

"Mag-pahinga ka muna, aalis Lang ako" sabi ni Jungkook at binaba ang maleta ko sa gilid ng pinto. Tinanguan ko Lang siya at lumabas na siya ng kwarto.

Agad akong tumalon sa kama ng maka-labas na siya. Grabe! Ang lambot! Hindi ko napigilang maging isip bata at nag-pagulong-gulong ako sa kama.

"I think your enjoying our bed" agad akong napa-tayo dahil sa boses nayun. "J-jungkook" yun Lang ang lumabas sa bibig ko sa sobrang kahihiyan. "I forgot to say, na baka Gabihin na ako ng uwi" paalam niya at ngumiti. Awkward akong ngumiti sakanya at tumungo. Nakita niya ako! Nakakahiya!

Sinarado na niya ang pinto at iniwan na ako doon.

Humiga ulit ako sa kama. "Nakaka-pagod" sabi ko at ipinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako.

**************************
Nagising ako nang makaramdam ng pangangawit sa leeg ko.

Tumayo na ako sa kama at pagewang-gewang na lumakad papuntang banyo.

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nag-palit narin ako ng damit. Pumunta ako sa kwarto ni alexander, nakita ko siyang tulog parin hanggang ngayon.

Bumaba ako sala at bumungad sa akin ang orasan. 1 oras Lang pala ang tulog ko.

Umupo nalang ako sa sofa at nang-halumbaba. Linibot ko ang mata ko sa kabuuan ng sala. Agad na nag-flashback sa isip ko ang pinaka-masamang araw ng buhay ko. Yung araw na binugbog ako ni Jungkook.

Kinilabutan kaagad ako kaya tinigil ko na ang pag-iisip. Natatakot ako na baka isang araw ay maulit muli iyon.

*ding* *dong*

Nang-marinig ko ang doorbell ay tumayo ako sa sofa. Nag-tungo ako ng pinto at tiningnan kung sino iyon. Bumungad saakin ang isang babae. Maliit Lang siya at Hindi ko mapag-kakaila na maganda siya.

"Sino po sila?" Tanong ko. "Hello! Ako nga pala ang bago niyong kapit-bahay ! Diyan Lang sa unahan ang bahay ko" masiglang sabi niya. Super energetic naman nito. Inabot niya saakin ang isang Plato na puno ng muffins. "Kami ng kapatid ko ang nag-bake niyan sana magustuhan mo" sabi niya at abot-tenga akong nginitian. Tinanggap ko naman iyon. "Salamat, ako nga pala si Jane" pag-papakilala ko. "Ako naman si Rachelle" naki-pag shake hands siya saakin at ngumiti. "Sige mauuna na ako maghuhugas pa ako ng Plato baka mapatay pa ako ng kapatid ko" sabi niya at umalis na.

___________________________
I want a big house, big cars and big rings~

Update! New character? Omo!

❤army~

Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon