[ 25 ] Jungkook's WIFE

18.6K 356 25
                                    

Another week had past, Ngayon ang araw ng pag-lipat nila Jane at baby Alexander sa bahay ni jungkook, na dati nang naging tirahan ni Jane.

Jane's POV:

"Are you okay?" Tanong ni jungkook. Napatingin naman ako sakanya ng tanungin niya ako. "Ah,Oo ayos lang" sagot ko. Nasa sasakyan kami ngayon ni jungkook dahil ngayon ang araw na lilipat kami sa bahay niya. Nasa backseat naman si baby alexander, nasa baby seat siya.

Nakaka-excite lang isipin na makakabalik na ulit ako sa bahay nayun. Yung dating bahay namin ni jungkook. Yung mga pag-sasamahan namin noon at tawanan, na napalitan ng lungkot at iba pang mga trahedya sa buhay. Sana ay makayanan Kong kalimutan lahat ng yun. Dahil gusto ko na ng panibagong buhay at ganon din Si jungkook.

"Nakalimutan ko palang Sabihin, aalis rin ako Mamaya dahil may dance practice mamaya" jungkook

Simula rin nuong bigyan ko ng second chance Si jungkook ay lahat na ng ginagawa niya ay pinag-papaalam niya muna. Pati nga dinner-night kasama ang manager niya ay pinag-papaalam niya rin muna sakin. Nag-mumukha tuloy akong selosa. Ganon naman yun diba? Kailangan malaman muna ng babae ang gagawin ng asawa niya, dahil pag Hindi mag seselos Yung babae. Hindi naman ako ganon, mag-tatanong lang ako kung talagang curious ako.

"Sige, kailan ba any comeback niyo?" Tanong ko. Naging masigla naman ang mukha niya dahil sa tanong ko. Ngayon lang kasi ako nag-tanong tungkol sa ginagawa niya. "Ngayong month na! Kaya kailangan talagang pag-igihan namin Yung pagpa-practice" proud na sabi niya napangiti ako at tumawa ng mahina, dahilan para saglit siyang mapatingin at ngumiti.

"Galingan mo ah" nagulat ako dahil bigla nalang yun lumabas sa bibig ko.

Napahawak ako sa seatbelt ko ng biglang mag-preno Si jungkook. "Ano bayan!" Reklamo ko at ni-check Si Alexander kung okay lang ba, mabuti nalang at naka-seatbelt siya pag may mangyari sa baby ko mabu-bugbog ko to Si jungkook.

"Bakit bigla-bigla kanalang nag-preno? Mabuti nalang at walang kotse sa likod kundi na-aksedente na tayo" kunot noong sabi ko sakanya.

Hindi naman siya natinag sa sinabi ko dahil mukha siyang baliw na abot tengang naka-ngiti sa harap ko.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko, dahil Hindi ko siya maintindahan. Muntik na kaming madisgrasya naka-ngiti padin siya.

"Salamat, sobrang gagalingan ko! Lahat gagawin ko" sabi niya. Lumapit siya sakin at yinakap ako. Nabigla ako nuong una pero yinakap ko narin siya.

Nang medyo nag-tagal , ako na ang humiwalay sakanya.

"Sige na, baka malate ka pa mamaya" sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at siya naman ay itinuloy ang pag-mamaneho

**************************

"Nandito na tayo" nagising ako ng alugin ako ni jungkook ng konti.

Kinusot ko muna ang mata ko. Tumingin ako sa labas at nakitang nandito na nga kami. Lumabas ako ng kotse at pumunta sa backseat binuksan ko yun at marahang kinuha Si Alexander na mahimbing na natutulog. Napagod siguro siya sa byahe.

Kinuha naman ni jungkook ang maleta namin at pumasok na sa loob. Bumungad saakin ang napaka-linis na sala.

Ibang-iba na ang itsura nito kumpara noon. "Hali na kayo" sabi ni jungkook at tuluyan na kaming pumasok. "Dalhin na natin Si Alexander sa kwarto niya, napagod siguro siya sa byahe" sabi ni jungkook at ibinaba ang mga maleta namin sa sala.

"Kwarto?" Tanong ko. Panong kwarto ang pag-kakatanda ko ay ngayon palang naman kami lilipat dito. "Oo, pinag-handaan ko talaga ang paglipat niyo kaya ginawan ko na siya ng kwarto" sabi ni jungkook habang kumakamot sa ulo niya. Napangiti naman ako.

Talagang pinag-handaan niya ang pag-lipat namin. Siguro excited rin siyang makasama Si Alexander. O kami.

Umakyat kami sa taas at dumiretso sa isang kwarto doon. Teka, kwarto ko to diba?

Tumungo kami sa dating kwarto ko. Binuksan yun ni jungkook. Napa-nganga ako dahil sa ganda. Color light blue na ang mga dingding nito. May mga cute rin na cabinet na punong-puno ng stuff toys at mga laruan. May maliit rin na kama, may harang ito sa bawat gilid. Nag-mukha tuloy itong baby crib.

Pumasok ako at linagay Si Alexander sa kama. Hinalikan ko muna siya sa noo bago umalis. Dahan dahang sinarado ni jungkook ang pinto upang Hindi magising Si Alexander.

"Pasyensa kana ginawa Kong kwarto ni Alexander ang kwarto mo" pag-hingi ni jungkook ng paumanhin. "Hindi, ayos lang" pagngiti ko sa kanya.

Bumaba na kami at pumunta ng sala. "Kailangan ko ng ayusin tong mga gamit namin" sabi ko at hinila ang maleta. Tinulungan naman niya ako sa iba pa. "Siguro sa guest room nalang ako" sabi ko at didiretso na sana ako sa guest room ng pigilan ako ni jungkook "Jane , Hindi ka pwede sa guest room" pag-pigil niya. "Bakit?" Tanong ko "ang totoo niyan, tinambakan ko kasi ng mga sirang gamit at mga libro ang guest room natin" sabi niya. Napatayo ako ng diretso at humarap sa kanya.

"Saan naman ako matutulog?" Tanong ko.

"Sa kwarto nating dalawa"

______________________________
No! No! No! Not Today!!

Update! Sorry if late!

❤army~



Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon