[ 29 ] Jungkook's WIFE

15.6K 301 26
                                    

Jane's POV:

"Mag-kakilala kayo ni kuya kyungsoo?" Tanong ni Rachelle.

"Yes, I saw her on a supermarket" sagot nitong lalaki.

"Akalain mo yun mag-kakilala na pala kayo ni kuya" ngiting-ngite na sabi ni Rachelle.

"Yeah, whatever" yun Lang ang Sinabi nung lalaki at umakyat na siya sa ikalawang palapag.

Ito naman ako, naka-tayo padin at halos Hindi maipinta ang mukha.

"Uy! Ano ba! Alam Kong pogi si kuya pero wag mo namang ipahalata" pang-aasar ni Rachelle.

Nabalik naman ako sa realidad dahil sa Sinabi niya.

"Hindi! Baliw! Nabigla Lang ako dahil dito ko pa siya nakita at kapatid mo pa" sabi ko at umupo na ulit sa sofa

"Pano ba kayo nag-kakilala ni kuya?" Pang-uusisa naman ni Rachelle. "Nag-kita kami sa supermarket tapos nag-agawan kami sa drink. Nag-away kami tapos umalis na siya. Nagulat nalang ako kasi bumalik siya at binigay saakin yung drink, sabi pa niya sa tingin niya daw mas kailangan ko pa yun" maikling kwento ko sakanya.

"ang swerte mo" sabi ni Rachelle. Nangunot naman ang noo ko "bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi yung iba diyan halos ipahiya na ni kuya tapos, heto ka" naka-ngusong sabi niya. "O Nandito ako, tapos?"

"Ano kaba! Minsan Lang mag-magandang loob si kuya. Actually first time nga e" sabi niya " yan kasi si kuya, ubod ng sungit yan. Minsan niya Lang ipa-kita yung mabait na side niya. Ako nga na kapatid niya halos tratuhin niyang katulong dito sa bahay. Pero kahit ganyan yan si kuya, napaka-swerte ko sakanya, nung na hospital ako kitang-kita ko kung gano siya mag-alala para sakin. Kaya kahit anong pag-susungit niya sakin Hindi na tumatalab" habang kinu-kwento sakin yun ni Rachelle ay dama ko  ko talaga na mahal na mahal niya ang kuya niya.

"Oo nga, ang swerte mo sa kuya mo" nag-kwentuhan Lang kami ng nag-kwentuhan ni Rachelle hanggang sa Hindi ko na namalayan ang oras.

"Omo! Anong oras na pala kailangan ko ng bumalik baka hinahanap na ako. Thank you Rachelle bye" paalam ko sakanya.

Tumawid na ako sa kabilang kalsada at pumasok na sa bahay namin.

Naabutan ko si Jungkook na naka-upo sa sofa at parang pagod na pagod.

"Ayos Kalang?" Agad na napunta saakin ang atensyon niya. Tumayo siya lumapit sakin.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "J-jungkook, anong problema" takang tanong ko.

Humiwalay siya sa akin at tiningnan ako "saan ka Galing?" Hindi ako naka-sagot agad dahil nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Wala sa sarili akong napa-ngiti.

"Sa bahay nila Rachelle, wag kanang mag-alala. Next time mag-papaalam na ako kung saan ako Pupunta" naka-ngiti ko paring sabi. Yinakap niya ulit ako.

Hinayaan ko Lang siya.

"Si Alexander?" Tanong ko at humiwalay na sa yakap niya. "Natutulog pa siya" sagot niya.

Pumunta na kami ng dining area at bumungad saamin ang mga pag-kain. Jollibee.

"Jollibee?" Tanong ko at tumingin sakanya. Napa-kamot siya sa ulo " number Lang kasi nila yung alam ko" ngumite Lang ako at inaya na siyang kumain.

Habang kumakain ay nag-kwentuhan Lang kami ni Jungkook. "Ano nga palang ginawa mo sa bahay nila Rachelle?" Tanong ni Jungkook habang kumakain. "Tumambay Lang saglit at nag-kwentuhan. Tumango-tango Lang siya.

Naalala ko ulit yung kuya ni Rachelle.

" Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko" excited na sabi ko sakanya. "Eno yen? (Ano yun?)" Tanong niya habang may laman ang bibig. "Natatandaan mo paba si kyungsoo?" Tumango Lang siya habang sumusubo ng pag-kain. "Kapatid siya ni Rachelle!" Biglang siya na-ubo at parang nabulunan. Agad ko  namang inabot yung tubig sakanya at mabilis niya iyong ininom.

"WHAT?!" gusto Kong ibuga sakanya ang kinakin ko. Ang pangit kasi ng mukha niya. "Kapitbahay natin sila, kapatid siya ni Rachelle ang astig no?" Sabi ko habang naka-ngiti. "Astig? Pano naging astig yun?" Halos Hindi mo na mapinta ang mukha niya sa sobrang inis.

"Wala Lang, Hindi ba nakaka-gulat na mag-kapatid sila?" Inosente Kong tanong . "whatever, we need to move" anong move? "Move?" Tanong ko. "Lilipat na tayo ng bahay Jane" seryoso niyang sabi. "Are you for real? Bakit naman tayo lilipat?" Inilapag niya ang kutsara at tinidor niya at bumuntong hininga "Because of that guy! I don't like him" sabi niyang naka-kunot ang noo. "Gusto ka ba niya? Bahala ka sa buhay mo, kung gusto mo lumipat, lumipat ka mag-isa" sabi ko habang kumakain ng chickenjoy. "Are you saying that you like that guy?" Halata sa boses niya ang galit. "Baliw kaba? Wala akong Sinabi na ganon. Ang saakin Lang ayaw ko na lumipat nakaka-pagod kaya" sabi ko. "Okay, Hindi na tayo lilipat, but I want you to keep your distance to that guy" hay nako! Ano pabang magagawa ko. Tumango nalang ako bilang pag-sang nayon.

"Before I forgot, Hyung is going to visit us, they want to see you" sabi ni Jungkook bago kumain ulit.

Oo nga. Hindi ko na pala sila nakikita. Miss ko na si Jin .

_____________________________
Bang! Bang! Bang! (Bang bang bang~)

Short update~ Sorry T_T

❤army~

Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon