[ 24 ] Jungkook's WIFE

17.1K 360 21
                                    

Jane's POV:

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko si Jungkook na kumakatok sa apartment ko. "Bat Nandito ka?" Tanong ko "gusto ko sana bisitahin kayo, Kaso si angel ayaw ako papasukin at sumisigaw na wala daw pizza delivery" natatawang saad ni jungkook . namilog naman ang mata ko sa Sinabi niya. Nag-doorbell ako "walang pizza delivery!" Sigaw ni angel Galing sa loob. "Angel! Ako to!" Sigaw ko. Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sakin si angel. "May kumakatok dito ang kulit ayaw umalis" pagsusumbong ni angel. "Si Jungkook yun" sabi ko at saktong sumulpot si Jungkook sa likod ko "hi" kaway nito Kay angel. "Ay! Sorry Jungkook ah" sabi niya at nag-peace. Pumasok na kami sa loob at linagay ko ang mga pinamili ko sa mesa.

"Anong mga binili mo?" Usisa ni angle at hinalungkat ang mga pinamili ko "uy~ si Jane nakasungkit ng papa" sabi ni angel na agad na ikinalingon ko "sino to~?" Nangaasar na tanong niya habang naka-taas ang sticky note na binigay nung guy sakin kanina. Si kyungsoo.

"Uy! Ano ba akin na nga yan" sabi ko at sinusubukang agawin sakanya yung papel pero ayaw niyang ibigay. "Akin na n------" Hindi ko naagaw Kay angel yung sticky note nang kuhanin na yun ni Jungkook. "Teka, akin nayan" sabi ko ngunit itinaas niya yung papel at tiningnan ako ng masama kaya itinikom ko nalang ang bibig ko. Wrong move Jane! Wrong move!

"Sino si kyungsoo" seryosong tanong ni Jungkook "si...ano...nakilala ko Lang siya..sa ano.....kanina" sawakas nasabi ko narin. "Bakit naman niya binigay yung pangalan niya sayo?" Seryoso paring tanong niya. "Kasi...ano...friends?" Sabi ko "are you insane? Why are you meeting such a guy?" Gigil na tanong niya. "Such a guy? Mabait kaya siya, si kyungsoo kaya ang nagbigay sakin ng drinks nayun" turo ko sa drinks na binigay sakin ni kyungsoo. Pinuntahan niya yung drinks at ininom "ano bang ginagawa mo? Akin yan!" Sigaw ko at inagaw ang inumin. Gusto ko pa namang tikman tong inumin nato kaya nga nakipag-away pa ako Kay kyungsoo. Tapos iinumin niya Lang?!!

"Hindi mo pwedeng inumin yan" duro niya sa hawak Kong drink "at bakit?" Mataray na tanong ko "dahil Galing yan sa lalaking kyungsoo nayun " asar na sabi niya.

"Ano naman kung Galing sakanya?" Tanong ko. "Dahil Hindi Galing sakin yan" gusto Kong matawa sa Sinabi niya. Kasi, ano daw? Hahahaha.

"Teka nga----" napaisipi ako sa mga kinikilos niya. Wag mong sabihin---- Hindi pwede, at bakit naman?

"Are you jealous?" Tanong ko

"What if I am?"

______________________________
With you~ with you! Beautiful Christmas day!!!!

Update is here!

❤army~

Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon