Jane's POV:
Tatlong araw na ang nakaka-lipas simula Nung insidente. Nakalabas narin ako ng hospital kahapon.
"Friend!" Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita Si angel. Nasa park ako ngayon at inintay Si angel, sasamahan niya akong pumunta ng hospital. Naka schedule kasi ako ngayon at kailangan mag-patingin sa doctor, syempre para Kay baby.
Tumayo ako sa inu-upuan Kong bench at lumapit Kay angel. "Kanina kapa? Pasensiya na natagalan ako! Yung kapitbahay ko kasi nag-bubunganga kagabi Hindi ako nakatulog ng maayos" sabi niya nginitian ko nalang siya. "Ayos lang" nagsimula na kaming maglakad papuntang hospital. Malapit lang naman sa park yung hospital na pupuntahan namin.
"Kamusta na pala kayo ni jungkook?" Tanong ni Angel. "Hindi ko rin alam" yun nalang ang nasabi ko sakanya. Simula kasi ng mangyari yun ay Hindi na kami nag-kakausap ni jungkook, Hindi niya nga ako nabibigyan ng kaunting oras para makausap ko siya. Mas inuubos niya pa ang oras niya Kay Valerie. Sinusuyo niya kasi Si Valerie. Kating-kati na magka-ayos na sila.
"Ano na...." Sabi ni angel. Napatingin naman ako sakanya at kumunot ang noo. "Ang ano?" Pag tatanong ko naman sakanya. "Yung magiging tatay ng anak mo, sisipot ba yun?" Tanong niya. Si jungkook ang tinutukoy niya. "Ayoko ko na angel" pag-kasabi ko non ay napatingin naman siya saakin. "Bakit?" Tanong niya " tumigil ako sa paglalakad at hinarap sa angel. "Natatakot na kasi ako angel, kapag sinubukan ko pa ang gusto Kong mangyari, baka sa bandang huli mag-sisi lang ako" malungkot akong ngumiti sakanya. "Wala na akong magagawa sa desisyon mo, basta ako nandito palagi bilang kaibigan mo at bilang pamilya" napangiti naman ako sa sinabi niya. Nag-simula na ulit kaming mag-lakad.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hospital.
"Ms.Jane" tawag saakin ng nurse. Tumayo na kaming dalawa ni Angel at pumasok na sa loob.
Nag-palit na muna ako ng hospital gown at humiga na sa hospital bed. Linagyan na ako ng nurse ng gel sa tyan at in-ultra sound na ako.
"Kamusta po ang baby ko?" Tanong ko sa nurse ngumiti saakin ang nurse. "Normal lang ang tibok ng puso ng anak mo, sinisigurado ko na magiging isa siyang malusog na bata. Bastat wag mong kalimutan ang mga vitamins mo" sabi ng nurse at tinulungan akong tumayo mula sa hospital bed.
Nagpalit na ako ng damit ko at dumiretso ng 'doctors office' doon kasi kami pinapunta at para kuhanin rin yung image ng ultra sound ko.
Habang nag lalakad at nag-tatawanan ni angel ay may nakita akong babae, nakatalikod ito pro kahit ganoon ay kilala ko ito. Ano naman kayang ginagawa ni Valerie' dito?
___________________________
Omo! Omo! Omo! Anong ginagawa ni Valerie sa hospital?Wait till the next update ~✔❤⬆⬇
Happy birthday Santansoo👑🔪💖💞
Pogi ng asawa ko hihihi😂⬆⬆⬆⬆❤
BINABASA MO ANG
Jungkook's Wife | completed
FanfictionWhat if your Jeon Jungkook's WIFE. Everyone seems to be happy for you, but deep inside it's an hard task. Jungkook didn't even bother to love you. And that night was just all MISTAKE? TAGALOG Story. Please read~❤