[ 12 ] Jungkook's WIFE

19.2K 386 13
                                    

Jane's POV:

Nakarating ako ng maaayos sa bahay. Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Pumunta akong kusina para uminom ng tubig medyo mahaba-habang lakaran kasi ang ginawa namin ni angel bago kamo mag-taxi.

Habang umiinom ng tubig ay bumaba si jungkook. Nagkatinginan kami pero ako na ang umiwas ng tingin. Dumiretso na ako ng kwarto ko pag-katapos Kong uminom ng tubig. Wala rin namang mangyayari, bakit pa ako aasa.

Isinarado ko na ang pinto ko. Umupo muna akong ng kama ko. At nag-iisip-isip. "Gusto ko ng lumipat" sabi ko sa sarili ko. Hindi ko kakayaning tumira kasama si jungkook, baka mas lalo Lang akong mag-sisi. Alam Kong para akong isang duwag na tao dahil natatakot ako na mag-sisi bandang huli, Hindi ko Lang talaga mapigilan dahil nasa sa akin parin ang pang-hihinayang na Hindi si jungkook ang kikilalaning ama ng anak ko, ngunit alam ko naman sa sarili ko na tama at buong-buo na ang desisyon ko para sa kinabukasan naming mag-ina.

"Asan na yung ultra sound picture?" Natanong ko nalang sa sarili ko ng, mapag-tantong Hindi ko hawak ang ultra sound picture. Ay! Oo nga pala naiwan ko sa kusina. "Linapag ko pala yun habang umiinom ako ng tubig" 

Marahan akong bumaba at sisiguradong walang kahit anong ingay akong nalilikha. Paliko na sana ako ng kusina ng nakita si jungkook na binubuksan ang ultra sound picture. Pipigilan ko sana siya pero hinayaan ko na.

Umakyat na ako, alam ko naman kung ano ang magiging reaksyon niya. Bakit pa ako aasa.

Umakyat nalang ulit ako. Baba nalang ako pag-umalis na siya.

Jungkook POV:

Nagising ako dahil Parang may bumukas ng pinto. Bumaba ako at pinakinggan ang tunog. Nakita ko si Jane na papuntang kusina, kumuha ng tubig. Nagkatinginan kami ngunit siya rin ang unang umiwas. Simula nung nagawa ko yun sakanya at Simula rin nung araw na yun Hindi na kami nag-iimikan. Hindi ko narin naman iyon pinapansin dahil Hindi ko na siya nabibigyan ng oras, sa umpisa palang naman ay Hindi ko na siya binibigyan ng kaunting oras ko, lahat ng isip at diwa ko ay nakatuon palagi Kay Valerie. Nagkaayos na kami ni Valerie, ngayon minsan nalang kami mag-kita dahil dahil ang sabi niya ay may schedule siya palagi. Ako naman ay paminsan-minsan Lang ang schedule.

Napatingin naman ako sa isang envelope sa mesa. Kinuha ko ito at binuksan. Na-curios Lang ako kung anong laman ng envelope kaya ako nalang ang mag-bubukas.

May nakita akong mga picture. Black and white picture siya. Tiningnan ko ulit yung envelope at nakitang Galing hospital ang envelope. "Siguro kay Jane to" yun nalang ang nasabi ko sa sarili ko. Itinuon ko ang tingin ko sa picture na hawak ko. "Ultra sound pictures" bulong ko.

Tiningnan ko yung mga picture, actually dalawa Lang yung nandon. Papalit-palit ang tingin  ko sa dalawang pictures. Habang tumatagal ay may kakaiba akong naramdaman.

"Ano bang mangyayari saakin?" Tanong ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang mga luhang Hindi ko namalayang lumabas na pala Galing sa mga mata ko.

Dama ko ngayon ang feeling ng pagiging ama, at pagiging masaya.

Halo-halong emosyon ang nadarama ko. Itinago ko na ulit ang mga pictures at inayos ang sarili ko.

Ayoko naman ipahalata na umiyak ako. Sana tama ang desisyon ko.

____________________________
No! Jungkook! Mali ang desisyon mo! (Spoiler!) Hahaha. Enjoy the update.

❤army~

Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon