[ 11 ] Jungkook's WIFE

19.5K 345 9
                                    

Jane's POV:

Napatingin ako sa kwartong linabasan ni Valerie. "Anong ginagawa niya sa O.B room?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi naman siya buntis.

Bigla akong napatigil. "Uy! Friend! Anyare nakatulala ka dyan" sabi ni angel. Hindi ko siya pinansin at tumingin na rin siya sa tinitingnan ko. "Anong ginagawa ni Valerie dito?" Tanong niya saakin. "Hindi ko rin alam" sagot ko. Saglit na nanahimik Si angel kaya't napatingin ako sakanya. "Teka, galing ba siya sa O.B room?" Tanong ulit ni angel. Tumango lang ako bilang sagot. "Wag mong sabihing------" Hindi na tinuloy ni angel ang sinasabi niya, dahil alam ko narin naman ang kasunod ng mga salitang yun.

"Tama lang ang desisyon ko" sabi ko sa sarili ko. Napatingin saakin Si angel at binigyan ko lang siya ng malungkot na ngiti. "Pano nayan friend?" Tanong niya "mas okay na yung nalaman ko na buntis rin Si Valerie, kaysa naman malaman ko yun kapag huli na. Tama lang talaga ang desisyon ko" bawat salitang sinasabi ko ay puno ng lungkot. Kahit na alam ko sa sarili ko ang tamang desisyon, Hindi parin ma-iiwasan na nasasaktan ako.

Hindi ko alam na may pumatak na luha sa mga mata ko. Marahan ko iyong pinunasan. "Oh, bakit ka umiiyak?" Panic na tanong ni angel. "Natatakot lang ako na walang kilalaning ama ang anak ko" sabi ko at pinunasan ang mga luha ko.

Bigla namang tumawa Si angel. "May naisip ako friend" sabi ni angel. Tumingin ako sakanya habang sumisinghot pa ng sipon. "Ano naman yun?" Tanong ko. "Makipag-blind date ka!" Masiglang sabi niya. Napatingin ako sakanya with matching big eyes. "ANO?!" napatakip ako ng  bunganga ng mapalakas ang boses ko. "Anong blind-date ang pinag-sasabi mo dyan!" Sabi ko Kay angel. "Chill lang friend, i-try mo lang! Malay mo may masungkit kang isda" sabi niya. "Isda isadang sinasabi mo dyan!" Sabi ko at nag-simula na ulit kaming mag-lakad. "Ako na mismo ang mag-seset ng date para sayo" sabi niya at pumalakpak. "Pag-pumalpak yang pinaplano mo, kukutusan kita" sabi ko, "so, payag kana?" Tanong niya. "Hindi, para sa sarili mong kaligayahan kaya ko gagawin" sabi ko "ay nako friend, wag kang mag-alala Hindi ka magkakamali ng desisyon" sabi niya at yinakap ako.

Kinuha na namin ang ultra sound image ko at lumabas na.

Habang naglalakad ay naisipan Kong mag-pahinga at naupo muna kami sa mga bench sa labas ng hospital.

"Alam mo angel, gustong-gusto Kong may makilalang ama ang anak ko pag-labas niya" sabi ko. Tumingin saakin Si angel at yinakap ako " alam ko, sino ba namang ina ang ayaw magkaroon ng magandang pamilya ang anak niya" sabi ni angel "masama ba akong ina?" Tanong ko Kay angel, Hindi ko alam kung bakit ko natanong pero gusto ko lang malaman. "Ikaw? Ikaw na yata ang magiging da-best mommy na magiging mommy palang sa buong mundo" sabi niya at mas hinigpitan pa ang pag-yakap saakin. "Masaya sana kung ang tunay na ama niya ang makikilala niya" sabi ko. Bumitaw sa pag-kakayakap saakin Si angel at tinagnan ako "maganda nga sana, kaso ang kikilalanin niyang ama ay ayaw sakanya, alam mo friend, kung pwede lang pumatay ng tao , pinakauna sa listahan ko yang jungkook ng buhay mo" napatawa nalang ako sa sinabi ni angel. Tama naman Si angel, ayaw ko namang ipag-siksikan ang sarili namin ng anak ko sa taong mismong nagsabi na 'mawala na kami ng anak ko' "Thank you angel, Hindi ko talaga alam kung Anong gagawin ko kung Hindi kita naging kaibigan" sabi ko. "Oo na! Kanina mo pa sinasabi yan e" sabi niya at ngumiti. Tumayo na kami at naghanap ng taxi at sumakay na.

_______________________________
O diba ang bongga ng update (kahit Hindi) mag-uupdate ulit ako. Thank you readers.

❤army~

Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon