[ 16 ] Jungkook's WIFE

18.8K 373 18
                                    

Jane's POV:

Nagising ako dahil kumirot ang tiyan ko. Bumangon ako at tumingin sa orasan. 4:36 palang ng madaling araw. Tumayo ako at dumiretso ng banyo.

Habang naka-upo sa toilet bowl ay mas lalong sumakit ang tiyan ko. Lumabas ako ng banyo, napatigil ako sa paglalakad ng maramdamang may tumutulo sa pagitan ng mga hita ako.

Tubig yun na walang tigil sa pagtulo. Duon ko mas  naramdaman ang sakit ng tiyan ko.

"Ahhh!" Napasigaw nalang ako sa sobrang sakit. Napaupo ako at halos Hindi na makagalaw sa sahig. "Ah-ahhh" daing ko. Pagapang akong bumalik sa kama at kinuha ang cellphone ko. Di-nial ko ang number ni angel.

*ring* *ring*

"Hello?"

"A-angel ma-nganga-n-n-nak n-na a-a-ako"

Hindi ako makapagsalita ng maayos sa sobrang sakit ng tiyan ko.

"Ano? Chuppy kaba?"

"S-sabi k-ko manganga-n-nak n-na ako"

"Manganganak? Wag ka masyadong excited friend"

"H-hindi a-ko n-nag b-bibiro"

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko at huminga ng malalim. Hindi ko na kaya. "Ahhhhh!!!" Sigaw ko dahil lalabas na talaga siya.

"OMG! FRIEND! MANGANGANAK KA NA!"

"K-kanina k-ko pa sinasabi a-ayaw m-mong m-mani-wa-la"

"Wait kalang dyan ha?! Exhale inhale! Wag kang magpapanic! Wag kang magpapanic!"

Binaba ko na ang tawag at sumandal nalang sa kama. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at inintay Si angel.

After 10 minutes ay may narinig akong tunog ng ambulansya. Dinilat ko ang mata ko dahil alam Kong Si angel yun. Bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok Si angel na may kasamang mga medics.

Inilalayan nila ako pababa at inihiga sa kama. Pinasok nila ako sa loob sasakyan at umandar na. Hinawakan ni angel ang kamay ko "Jane! Okay lang yan. Kaya mo pa diba?" Tanong niya, halata sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang ako bilang sagot.

Mabilis kaming nakarating sa hospital at pinasok na ako sa O.R
Kasama Si angel sa loob at gumagabay at nag-che-cheer sa bawat pag-iri ko.

"Ahhhh!" Iri ko habang hawak ng mahigpit ang kamay ni angel "Hindi ko na kaya!!!" Sigaw ko ulit. "Kaya mo yan friend! Fight fight!" Sabi niya at chi-neer ako.

"Push" sabi ng doctor at umiri ulit ako. "One more push" sabi ulit ng doctor. Umiri ulit ako at....

"Wahhhhhh" halos mapa-iyak ako ng marinig ko ang mala-anghel na boses ng anak ko. Binigay saakin ng doctor ang anak ko habang pinuputal pa ang pusod nito. Unti-unti ng pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Tiningnan ko lang siya ng may ngiti sa mukha. "Alexander, Baby Alexander" banggit ko sa napiling pangalan niya. Tumigil naman siya sa pagiyak ng banggitin ko ang pangalan niya. Nagustuhan niya ang pangalan niya.

Kinuha na ulit ng doctor ang baby ko dahil lilinisin pa siya. Nakatulog na ako sa sobrang pagod sa pag-ire.

_____________________________
Caught in a LIEEEEEEE~~

Baby Alexander mga besh! Ganda ba? Enjoy!!!

❤army~

Jungkook's Wife | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon