○●○●○ Class 002 ○●○●○
Doyoon's PoV
"Patakasin niyo na ako dito" isang malakas na sigaw ang naka agaw ng pansin sa akin. Sigaw na ilang taon ko ng hindi pa naririnig.
"Okay! Sinong nakarinig ng tili?" matapang na tanong ni Jihoon. Napataas kami ng kamay at iniisip paren ang nangyayari
"Bakit anong meron?" tanong ni Benisse pero si Angela ang sumagot.
Natapos ang tanungan at napasinghap na lang ako. Hindi siya totoo, walang multo.
Pumasok ang isang senior namin na si Kahi at may tinawag
"Si Jian? Pinapatawag ka ng campus journ" sabi ni Kahi sunbae. Ngumiti si Jian at unti unting tumayo, kanina ko pa napapansin na parang mas mahina siya keysa sa usual niyang sarili.
Ng tumayo na siya ay dahan dahan at halatang nanginginig ang bawat parte ng katawan niya, mas nakababa ang kanyang sleeves na tila lamig na lamig siya at bawat hakbang ay matamlay ngunit nakangiti siya. Hindi kami agad naka responde ng bigla na lang siyang bumagsak.
"Jian!!?!" sigaw naming lahat, tumayo na agad si Dongjin na katabi lang kung saan bumagsak si Jian ngunit agad naman siyang binuhat ni Jisoo. May iba sa kanilang dalawa ngayon agad naman namin siya isinugod sa clinic.
"Anong na nangyayari kay Ate Jian?" pagaalala ni Meliza na sumama pala sa amin, kahit siksikan pinagtyagaan naming buong tropa para kay Jian nagaalala talaga kami sa kanya.
"Mataas ang lagnat niya kailangan siyang isugod sa ospital" sabi ni Nurse Sullo
Karamihan samin ay lumabas ng kwarto para bigyan ng daan sina Jian at Jisoo, kailangan pa daw ng isang kasama at nagpresenta si Seunggwan at Dongjin
"Ito na lang bato bato pick sino manalo sa inyo siya ang sasama" suhestiyon ni Mingming na agad namang ginawa ng dalawa, in the end nanalo si Dongjin at siya ang sumama sa kanya.
Pinaalis na kami ng nurse at pinabalik sa aming classroom. Nauna na an lahat at binalewala ang nadaan na Room 206. Lahat sila ay derederetso lang habang ako ay naiwan na nakatitig sa silid na matagal ng ipinasara. Bigla ko na lang naalala ang nangyari noong gabing iyon
"Omo... Jeno anong ginawa mo?" pagaalala ni Angela. Naguguluhan kaming lahat at tinitignan ang halos walang buhay na katawan niya
"Hindi ko alam basta na lang nangyari" naguguluhang sagot ni Jeno habang hawak hawak ang duguang kutsyilo na dahilan kung bakit naghihingalo siya
"Anong basta na lang nangyari? Jeno magisip ka nga!" bulyaw ni Mingyu
"Mga walang awa kayo" mahinang bulong niya kaht hirap na hirap ng magsalita at nakatingin sa akin. Nagsisihan kami at hindi alam ang gagawin ng bigla na lang nagsalita si-
"Hyung! Tara na!" sigaw ni Wonwoo na 'di kalayuan. Nabalik ako sa realidad. Napailing na lang ako upang mawala ang imahe ng babaeng napatay namin noong 1st year kami.
"Oo papunta na" sabi ko at agad ng tumakbo papalapit sa kanila at sabay sabay ng pumasok sa room namin.
Jian's PoV
Nagising ako sa isang puting kwarto. Nakaschool uniform ako at nakayuko si Kuya.
"Oppa..." Umupo akong matuwid na nakayuko, hindi ko pinapakita pero halos nanginginig na ang boses ko
"Mas lumala na" sabi ni Jisoo. Napayuko ako lalao upang hindi niya makita ang pagpatak ng luha ko. Bigla kong naalala ang mga ngiti ng aking mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson