Class 018

183 5 4
                                    

Third Person's POV

"Kyaaaaaahh" nakakarinding tili ni Khaye kaya nagising ang lahat

"S-Sino ka? Ba't andito ka sa kama ko?" pagpapanick ng dalaga at pinaghahampas ang kawawang Seungcheol

"Guys ano ba yan? Ang aga aga eh!" sigaw ni Alyssa at nagtakip ng tenga

"Jihoon! May rapist" sigaw ni Khaye at agad na umakyat sa top deck ng kama. Kahapon lang naglipat ng mga kwarto ang lahat.

"Sa mukha kong to rapist?" pagiyak ni Seungcheol.

"Oo rapist rapist! Byuntae! Manyak!" sigaw ni Khaye na tila nangaasar

"Hano ba yan?!" sigaw ni Doyoon na biglang pumasok sa kwarto nila.

"Aba malay! Pinagpapalo palo ako niyan!" sigaw ni Seungcheol

"Manyakis! Rapist! Byuntae! Saksakan ng panget!" sigaw ni Khaye

"Aba! Aray ha!" sigaw ni Seungcheol

"Aga aga eh ang ingay niyo!" sigaw ni Angela na napadaan lang.

"Jihoon ba't ba ang daming tao dito? May party?" tanong ni Khaye na nakalimutan na ang lahat

"Ha? Di mo maala- Uhm... tara baba ka na,papasok na tayo maraming andito sa dorm" pagsisinungaling ni Jihoon, nagkibit balikat lang si Khaye at bumaba na ng kama

"Oh Benisse andito ka rin?" gulat na tanong ni Khaye. Nagulat ng kaunti si Benisse pero ngumiti na lang

"Ah oo, mas malapit daw kasi sabi ni Mommy" pagsisinungaling nito. Lumapit naman si Soonyoung pero siniko lang siya ni Benisse para di magsalita

"Si Ljae kaya andito?" tanong nito sa sarili na sakto namang kakalabas lang ni Ljae sa kwarto.

"Company Call" sigaw ni Doyoon sa sala kaya bumaba na ang lahat ng kasama sa loob ng bahay

"Count off!" sigaw nito. Nagsimula na silang magbilang

"17. Psh... Di na ako dapat magtaka" sabi ni Doyoon. Wala na siya, wala ng pag-asa, di na ako aasa na babalik pa siya bulong nito sa isip

"Makinig kayo" walang emosyong sinabi ni Parker

"Alam na ng kung sino ang pumapatay sa plano natin, pag nabawasan na tayo wag na kayong magtaka" sabi ni Parker at tumayo na sa upuan

"So ano? Magtatanga tangahan na lang tayo dito at nga nga nga?" pagbulyaw ni Junghan dito

"Hawak na tayo ng salarin sa leeg, sa tingin mo may magagawa ka pa? 4 na araw na lang makikilala na natin siya, wag kayong atat. Kilalang kilala ko siya" paninigurado nito sa mga kasama

"Pero..." nagsalita si Jian

"Pero ano?!" sigaw ni Dongjin. Nanahimik lang si Jian at napakagat ng labi

"Malalate na tayo" sabi niya at tumayo, nanahimik lang siya hanggang sa paglabas ng bahay

"Ji ayos ka lang?" tanong ng Kuya nito. Napatigil siya at niyakap ang kuya

"Ayoko na..." bulong lang nito at medyo umiiyak

"Wag kang magaalala, andito lang ako. Gagawin ni Kuya ang lahat. Lahat lahat" sabi nito at ibinaba ng kaunti ang sarili para magkasing tangkad na sila

"Panget, laklak dalawang box ng cherifer" sabi nito ang ginulo ang buhok

"Pabo! Ang sama mo saken!" sabi nito at tumawa. Dumerertso na sila sa klase at ang unang sumalubong sa kanila ay ang mga Taga-B

1135RM2068714Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon