○●○●○ Class 008 ○●○●○
Third Person's PoV
Nagsilabasan na sila sa abandonadong bahay. Naiwan si Seokmin sa isang pasilyo ng nakakita siya ng isang pamilyar na tao sa may dulo ng kwarto
Papalapit ito ng palapit sa kanya bg dahan dahan. May kadiliman ito kaya hindi niya makita kung sino ito. Sinindihan niya ang lighter niya kaya nakita niya ng mukha ng babae. Nabitawan niya ang kanyang lighter dahil sa gulat at sa takot ng nakita niya si Seulgi.
Naramdaman niya ang malakas na pagpalo sa kanyang ulo kaya ito bumulagta sa sahig. Hinatak lang siya ng parang laruan at ipinasok sa loob ng isang kwarto.
Nakahanap siya unan at hinawakan ito. Nagising si Seokmin na may masakit na ulo dahil na rin sa pagkapalo sa kanya, dumudugo pa nga ito.
Pagkagising niya ay agad siyang tinakpan ng unan kadahilanan para hindi siya makahinga, ilang beses siyang pilit mawala ngunit mas malakas ito kaysa sa kanya.
Ilang minuto ay agad na itong binawian ng buhay at tuluyan ng nawala si Seulgi
"Guys may naiwan ako. Sandali" sabi ni Jihoon at umalis sa grupo, umakyat siya sa ikalawang palagpag. Pumasok siya sa isang kwarto at kinuha ang naiwan niyang gamit. Napansin niya si Seokmin na nakaupo sa sahig
"Psst! Seokmin! Gising na, lalayas na tayo" tapik nito sa kanya. Naramdaman niya na malamig ang katawan nito kaya agad siyang kinutuban. Tinignan niya ang pulso nito at umaasang mali ang hinala niya.
Napatakbo siya pababa at tinawag ang kanyang grupo. Nagsitakbuhan sila at nadatnan ang nangyari sa kanilang kaibigan.
"Lee Seokmin" matigas na sinabi ni Doyoon ngunit 'di ito sumagot. Nanginginig na lumapit si Soonyoung at tinatapik si Seokmin
"Seok ba't ang duga mo, nanggogood time ka ano? 'Wag ka naman ganyan. Kung nanggogood time ka diba dapat kasama ako?" pinipilit niyang hindi maluha. Umiiyak na ang karamihan at ang mga lalaki ay pilit na magpakatatag.
Dumating na ang ambulansyang tinawag nila. Lumabas na sila at tinignan na lang ang bangkay ng kaibigan nila sa stretcher.
-x-
Jihoon's PoV
"Uy Bakit absent sino Seok at Junhui" tanong ni Khaye sa amin habang kumakain kami. Napatigil ang lahat at tumingin sa kanya
Pinangunahan na ni Doyoon si Chan at umiling sa kanya. Alam na namin na sometime babalik siya sa sakit niya at mas lala ito.
"May sakit" mahinang bulong ko. Napa pout na lang siya at sumangayon.
"Bumabalik na yung sakit niya" bulong naming lahat.
"Sakit nino?" tanong ni Seungcheol na kakapasok lang. Umiling lang kaming lahat. Wala pa siyang alam
"Okay class please be seated. May transferee tayo" sigaw ni Sr.Youngmin na adviser namin
"Songsaengnim! Sino po?" tanong ni Ha Nuel. Ngumiti lang siya at pinapasok ang transferee. Mukha siyang pamilyar pero di na ako nag salita, napansin siguro yun ng iba kaya ngumiti na lang ako katulad ng ginagawa ko.
"Annyeonghaseyo! Jeoneun Jeno imnida" sabi ng isang katangkarang lalaki sa harapan. Sabi na nga ba
"Jeno!!!" sigaw ng karamihang kasama na ako pero hindi ko parin makalimutan yung gabing iyon. Hindi sumama si Parker dahil may galit parin siya dito.
"Ba't bumalik ka?" mahina ngunit walang emosyon niyang sinabi sa harap ni Jeno. Ngumiti lang siya ng pilyo sabay niyakap siya.
Di kumibo si Mingming, pero nagwalk out bigla.
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystère / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson