Hansol's POV
Nasa library ako ngayon. Nag-aaral para makasabay sa talino ng mga kasection ko. Lintian kasing utak na to eh. Lutang
Kinuha ko yung libro ng algebra. Sa may dulo ako umupo.
-----
7:00 pm. Pinapaalis na ako ng librarian ngunit tuloy pa din ako sa aking ginagawa.
"Ahh!" Biglang namatay ang mga ilaw.
"Ma'am?" Tawag ko sa librarian.
"Mr. Chwe, pupunta lang ako sa guard itatanong ko kung anong nangyari." Sagot nito habang binubuksan ang flashlight
"Sige po ma'am."
Lumabas na yung librarian. Ako na lang ang nagiisa dito ngayon. Yung sinabi nga pala nila. Lagot.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone upang magkaroon ng liwanag. Inayos ko kaagad ang gamit ko upang makaalis na kaagad.
Palabas na ako ng pintuan /BLAG/ May kung anong tumama sa ulo ko. Nahihilo na ako. Sa tingin ko'y hindi ko na kayang lumakad p-----
--------
"HAHAHHAHAHA, Natatawa talaga ako sakanila. Para silang mga pusang takot na takot mabasa." Nagising ako at ito ang bumungad sa kin.
"Gising ka na pala! Mabuti naman. Kaninang kanina pa kong nagaantay dito." Bigla siyang napalingon sa akin mula sa panonood niya sa isang screen. Teka sila Parker yun ah.
"Anak!" Bigla na lang lumabas sa bibig ko
"At kelan ka pa nagkaanak?" Sarkastikong tugon nito.
"HA-HA-HA-HA" Sarkastiko pang tawa nito.
Tatayo sana ako at susuntukin siya ngunit napagtanto kong nakatali pala ang mga paa't kamay ko sa isang arm chair.
"Ano? Susuntukin mo ko?" Mapangasar na sabi nito. Nilapit niya ang mukha niya saakin. Hindi ko makilala dahil isang mata lang niya ang nakikita dahil sa suot niyang mask.
"Suntok" Pangiinis nito.
"Pakawalan mo ko! Tsaka tayo maglaban."
"Sige ba." Akmang tatanggalin na nito ako tali ng bigla siyang tumawa
"Ano? Kala ko ba pakakawalan mo ko?"
"HAHAHAHHAHAHHAHAH. Di ako kasing tanga mo!"
"Hayop ka!"
"Demonyo pa nga eh HAHAHAHHA"
"Nga pala anong gusto mong pagkamatay mo? A or B?" Pahabol pa nito.
"Hayop ka pakawalan mo ko!" Sigaw ko habang nagpupumiglas.
Pinatay niya ang screen na pinapanoodan niya kanina.
"Pakakawalan kita sa isang kondisyon."
"Ano? hayop ka"
"Mamaya ko na sasabihin. Gusto muna kitang makitang naghihirap"
Kinuha niya ang isang kutsilyo mula sa kanyang jacket. Shit.
"AAAAAAAAAAAAAAAH"
Sinugatan niya ang pisngi ko.
"HAHAHAHHAHAHAHAHAH Masarap ba?"
"Mas hayop ka pa sa hayop!"
"Wag ka munang magconclude di pa tapos, patikim pa lang yan."
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson