Third Person's POV.
"Wag ka kasing maingay~" suway ni Hansol kay Parker habang tahimik silang pumapasok sa kwarto ni Jeno
"Maingay? Aba sino ba nagsasalita" pagpout ng bata
"Sino kayo?" tanong ni Jeno sa mga batang pumasok sa kanyang kwarto
"Ah. Eh. Hi ~ Ako si Parker" sabi niya at kumaway
"Hansol" sabi naman ni Hansol at tinaas lang ang kamay
"Jeno" tipid niyang sagot at ngumiti, lumapit ang dalawang bata at nakipagusap sa kanya
Biglaan namang pumasok si Mingyu at aligagang tinawag ang iba
"Hansol, Parker.. Si Marianne" sabi nito at agad namang nagpaalam ang dalawa at bumalik sa ward kung saan sila nagstastay
"Ano ng nangyayari kay M?" nagaalalang tanong ni Junhui
"Kanina pa siya nagsusuka at walang ganang kumain" sabi ni Jihoon
"Mga bata umurong muna kayo sandali, let the doctors check, arasseo?" sabi ng head nurse na si Nurse Kim
"Dae! Nurse Kim magiging okay naman po siya diba?" pagaalala ni Angela
"Kailan siya nagsimulang magsuka?" tanong ni Dr. Shin
"Kahapon po pagkabalik niya ng operation" sabi ni Mingyu na pinsan nito na kapwang may sakit rin
"Nurse Kim pakisabi na kailangan ang OR ngayon, She's throwing up bile, baka natamaan kahapon during operation" sabi ni Dr. Shin at hinila ang kama ni Marianne papunta ng Operating Room. Nanatili ang mga bata sa ward at alalang alala dito
"Kaya ni M yun kuya diba?" pagaalala ni Jian. Tumango lang ang kapatid nito at hinagod ang likod
-×-×-×-
"Uh.. Oo na sige sige, ako ng tatapos" sabi ni Doyoon sa kausap nito
"Oo nga alam ko! Wag mo kong utusan! Gagawin na nga eh!"sigaw nito sa telepono at ibinaba na ito. Narinig ni Seungkwan ang sinabi nito kaya bigla na lang siyang nagpakita, nagulat at parang aligaga si Doyoon ng nakita niya si Seungkwan at nagtanong
"M-May na.. rinig ka?" mautal utal na tanong ni Doyoon, tinignan lang siya ni Seungkwan at nginitian ng plastik
"Anong narinig?" tanong ni Seungkwan at nilagpasan lang si Doyoon. So kung ikaw, anong motive mo? Eh sayo nga nagsimula to~ Gagong traydor isip ni Seungkwan at kumuha ng tinapay
"Una na kami bye" sabi nina Jian at Jisoo at dumeretso papuntang school.
"Angela sabay na tayo ha~" pakiusap ni Seungkwan at pumayag naman siya. Paalis nadapat ang lahat ng biglang narinig nila ang balita sa telebisyon
"Isang babae na nagngangalang Kylie Sandoval, isang estudyante ng Pledis Academy ay na Hit-and-run kanina lamang umaga ng alas-kwatro dito sa Sunshine Village" sabi ng babaeng nagrereport
"Hindi ba si Kylie na kaklase natin yan?" pagaalala ni Gianne
"Karma sa kanya yan, pagkatapos niyang pagtripan si Jian tama na sa kanya yan" bulong ni Parker siniko naman siya ni Mingming para tumahimik
"Anong nangyari kay Jian?" tanong ni Dongjin kay Parker
"Aba malay, tanong mo sa kanya. Narinig ko lang ang usapan nila Kylie na may gagawin sila kay Jian dahil nga na may gusto sayo yung Kylie" sabi ni Parker. Mga ilang minuto pa bago nakapagreact ang lahat pero inunahan na sila ni Parker
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
غموض / إثارة"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson