○●○●○ Class 004 ○●○●○
Junghan's PoV
Tawa pa rin kami ng tawa dahil sa nangyari kanina
"Laughtrip wahahaha" sigaw ng iba sa amin. Biglang natahimik ang lahat ng umubo si Jian
"Jian! Ma.. DUGO!" sigaw ko at naghanap agad ng tissue pero bigla na lang siyang nahimatay ulit. Nagpapanic na ang lahat ngunit sumigaw ng malakas si Doyoon
"Sandali!" sigaw niya kaya agad natahimik ang lahat
"Junghan tawagin mo sina Mingyu at Marianne, Junhui tawagin mo si Jisoo, Khaye tumawag ka ng doctor. Dali!" Sigaw niya at agad lumapit kay Jian ganun din ang iba at pilit na ginigising si Jian.
Tumakbo ako hanggang sa roof top, ayun lang naman ang alam kong pupuntahan ng mag pinsan na iyon. Bigla akong nakabunggo ng isang magandang...
"Miss sorry" sabi ko at umalis na agad, kahit sandali nakita ko ang mukha niya... Ang cute niya~
Tumakbo ulit at nakita ko na sila sa rooftop
"MM! Si Jian!" sigaw ko, napansin ko naman na agad silang tumayo at sinundan ako.
"Anyare?" tanong nila sa akin.
"Mahabang storya" sabi ko at nagpatuloy tumakbo.
Nakaabot na kami ng kwarto pero wala na doon si Jian at nasa labas ang lahat. Biglang sinutok ni Cheol si Jisoo kaya agad naman siyang tinulungan ng iba
"Ano bang pumasok sa isip niyong magkapatid at hindi niyo sinabi sa amin na may Leukemia siya?!" sigaw ni Seungcheol.
"L- Leukemia?" tanong naming tatlo. Nakaupo lang sina Jihoon at nagsalita
"Stage 2 Leukemia" bulon niya pero rinig parin ng lahat. Walang umiimik at tahimik ang lahat.
"Hyung hindi naman malala yun diba?" pambasag ni Dongjin sa katahimikan. Walang nagsalita.
"Cheol..." sabi ni Khaye at tumango na lang si Seungcheol, umalis muna silang dalawa
"Tao po?" tanong ni Bennise, napatingin kami sa kanya
"Musta na po si Jian?" tanong niya. Napailing kaming lahat dahilan para umupo na lang siya sa upuan na malapit
"Haistt.. Namimiss na siya ng buong klase eh, wala daw maingay" sabi ni Bennise. Nagbuntong hininga na lang kaming lahat at sumandal kung saan pwedeng sandal .
"Alis na muna ako"
"Ako rin"
"Hintay"
at sunod sunod na silang umalis.
Khaye' PoV
Lumabas muna kami ni Cheol at pumunta sa isang fast resturant
"Kumain ka na" sabi ko at nagsimulang kumain. Wala na siyang ginawa kundi tumulala na lang. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ah" sabi ko at tinatry pakainin siya.
"Cheol aminin mo, bakit ka ganyan? May.... May gusto ka ba kay Jian?" tanong ko sa kanya pagkababa ko ng kutsara. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Paano nga kung oo
"Hindi... Naalala ko lang ang kapatid ko. Bata pa lang kasi siya at namatay dahil sa Leukemia..."Nakatulala parin niyang sinabi. Haist buti na lang.... Hay nako Ms. Park Hyeyeon soon to be Choi Hyeyeon in short Khaye ang assuming mo naman, Kay Dongjin lang yun si Jian
"Sorry" nakayuko kong sinabi. Huminga siyang malalim at nagsimulang kumain
"Kumain ka na, lalo kang papayat nyan. Payatot" nangaasar niyang sinabi. Aish CHOI SEUNGCHEOL parang kanina lang.. Pffu~ Back to Budoy =_=

BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson