Jian's POV
"Aba Puta! Mamatay na sana kayong dalawa! Bwisit!" sigaw ko at tinulak ang dalawa sabay umalis. Tumakbo na lang ako hanggang sa lumang building na halos hindi ko na alam kung nasaang floor na ako ng abandonadong building basta ang alam ko ako lang magisa doon.
Maya maya pa ay bigla akong napatigil sa isang banda, hingal na hingal at tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Napaupo na lang ako sa sahig at nakayuko
"Hmm... ehmm.. hmmm.." isang nakakatakot at patuloy tuloy na nota ang narinig ko. Doon napatingin alo sa di kalayuan at nakita si Seulgi na nakangiti ng nakakakilabot.
Papalapit siya sa akin at palakas ng palakas ang notang kinakanta niya at napako lang ako sa kinauupuan ko. Kaba at takot ang nararamdaman ko, nanunuyo ang lalamunan ko kadahilan ng hindi ko pagsigaw.
Kaharap ko na siya at kitang kita ng duguan niyang mukha. Napatakip ako ng tenga at napapikit
"Jian!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko na humawak sa akin. Napalingon ako at nakitang si Dongjin na alalang alala. Napayakap ako sa kanya at biglang nawalan ng malay
"Kung hindi ka nakiepal edi sana kami ni Doyoon!" sigaw ni Seulgi kay Khaye at akmang sasampalin siya. Pumasok ako at pinigilan ang sampal niya saka binitiwan ng marahas.
"Eh di ka naman talaga mamahalin ni Doyoon! Isa ka kasing illusynada!" sigaw ko dito at hinatak si Khaye. Nanginginig at walang kibo si Khaye.
Sa 'di inaasahang pangyayari hinatak niya ang buhok ko saka ako iniuntog sa pader. Agad naman humarang si Khaye ngunit tinulak lang siya ni Seulgi dahilan para mauntog siya sa sahig at lumabas ang napakaraming dugo.
"Khaye!" sigaw ko at nagising sa isang masamang panaginip
!"Ano ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Pagaalala ni Dongjin sa akin. Hingal na hingal at pinagpapawisan ako, hindi ko makasagot. Inabutan niya ako ng tubig at uminom ako para kumalma.
"So... Sorry nga pala kanina" mahina at mautal utal niyang sinabi.
Tinignan ko lang siya at palihim akong ngumiti. Ipinatong ko ang baso sa lamesang katabi ko at nagsalita
"Ayos lang, pero sa susunod wag ka ng masyadong apektuhan sa sinasabi ng Mark na yun" sabi ko sakanya at ngumiti. Nabuhayan naman siya sa sinabi ko at niyakap ako.
'Thank you! Thank you!" sigaw niya paulit ulit.
"PBB Teens?!" chorus na sinabi ng buong grupo nakakapasok lang ng clinic.
"Kinabahan ako dun! Wag ka ngang ganyan ang creppy pag nagagalit ka" asar ni Faith sa akin. Bago lang siya pero magaan ang loob ko sakanya
'Terror Jian! Taray pwede ka ng gawan ng movie!" asar naman ni Khaye.
Ngumiti lang ako sa kanila. Hindi ko parin kasi matanggal ang mukha ni Seulgi na duguan at nakangisi palagi. Ngayong nabuksan na ang Room 206 malaya na siyang sumunod sa amin.
"Lalim ng iniisip ah. May problema ba" tanong ni Seungkwan
"Wala. Nakita ko lang siya" simpleng sagot ko sa kanya. Nawala ang ngiti ng lahat at tumango
"Kailangan na nating umakasyon sa mga nangyayari, iniisa isa niya tayo" seryosong sabi ni Doyoon na kinasang ayunan ng lahat. Umupo akon ng maayos para makaupo ang iba
"Kung magsama sama kaya tayo sa isang bahay? Para maproteksyonan natin ang isa't isa. Di ba nga 'Walang iwanan kahit sa kamatayan'" sabi ni Jisoo at napatingin sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/11440612-288-k110548.jpg)
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
غموض / إثارة"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson