○●○●○Class 001○●○●○
Khaye's PoV
"#MatabangMaputingJihoon"
"#NgitingSeokmin"
"#BaklangHansol"
"Hastag CheolBudoy"
"Hastag?! Bwahahaha" sabay sabay naming sinigaw ng nabulol si Khaye ng pagkasabi ng hashtag. Ganito ang laro namin palagi bago magsimula ang klase. Ang Hashtag, lalaitin mo lang ang katabi mo na may kasamang hashtag. Laughtrip nga eh si Jihoon lagi ang inaasar
"#JirianLutang"
"#MUKHANGLUHANDONGJIN" sabi ni Jirian at tumawa magisa
"#PalakangParker"
"Aray! #JisooTwix" sabi ni Claire at biglang nagmaktol.
"Class 3 AAAAAAAAAAA!!!!!!" sigaw ni Ha Nuel at the top of her lungs.
"Si PRESIDENT! TAKBO!" sigaw naming 22. Galing kami sa Class 3 A. Matino man tignan, makulet at pilyo talaga kami and take note kami ang pinaka kilalang grupo sa school. Nalaman na siguro ni President Ha Nuel na naglagay sina SoonSeok ng tubig sa pinto. Ahihi nabasa si president. Nga pala nasa school garden kami.
-×-
"Hay nako.. Lagi kayo ang nakakapuno ng office ko" sabi ni Ms. Min yung school principal namin. Nagsimula na si Junhui lumuhod kaya lahat kami eh lumuhod na ren.
"Miss Sorry po" sabay sabay naming sabi. O diba sabi ko sainyo matino kami eh.. pagnanapagalitan
"Sino pasimuno?" tanong niya. Tumayo kaming lahat at tinuro ang magiting na pilyong churvaness na si SoonSeok
"SoonSeok? Ofcourse" sabi niya at nagsulat sa record book niya. Kilala sila bilang Seventeen at kami naman bilang Sm17e pagpinagsama. Like Seventeen *insert hand signal* Saan nangggaling yung like? Tanong mo kay Soonyoung. Kilala sila bilang pranksters ng buong Pledis Academy, Ang SoonSeok.
"You may now go" sabi ni Ms. Min at umakmang pinapaalis kami, Namuno na si Seungcheol sa paglabas.
"Haaa.. Yokata~ Soonyoung oppa, Seokmin oppa! Tigilan niyo na kahaharot niyo. Mapapagalitan kami lalo ni Kuya" sabi ni Jian. Yung pangatlong bunso, sunod si Dongjin tapos si Claire ang pinaka bunso... o si Benisse? o.o Ewan basta
"Bahala na si Umma arasseo?" sabi ng Kuya niya na si Jisoo. Opo magkapatid sila, pinagsabay sila ng year level.
"Uy Khaye gising gising pag may time" sabi ni Seungcheol na ilang sentimitro ang layo sa akin.
"Ayyiiieeee" sabay sabay nilang tukso. Ngumiti lang si Seungcheol at lumayo ng nakangisi. Sabay sabay na kaming pumasok sa klase.
Seungcheol's PoV
Ang cute talaga ni Khaye pag malapitan. Lumayo na ako at ngumisi sabay dumederetso ng lakad. Napahawak ako sa isang doorknob at akmang bubuksan ko na pero hinatak ako si Doyoon kaya napalayo ako
"Hyung wag kang papasok diyan"sabi ni Doyoon na parang naiirita na nagaalala. Nagsunod naman ng takbo ang iba.
"Bakit?" inosente kong tanong. Lahat sila ay parang nagulat sa pagtaning ko. Nagsimula si Chan magsalita
"Hyung pabayaan na muna naten yan, Last year lang dumating si Seungcheol hyung! Wala pa siyang alam!" ani niya
"Ang alin?" mas lalo pa akong naguguluhan. Hinatak na ako si Junghan at sinabi na may ngiti
"Ah wala, nagbibiruan lang sila. Tara na hyung" sabi niya at mas lalo pa akong hinatak papalayo.
"Magtiwala ka lang sa amin" nakakahipnotismong bulong niya sa akin.
-×-
"Oh bat dalawa na lang kayo dito Pres?" tanong ko kay Ha Nuel na kasama si G-Ara.. Ara for short. Yung Vice Pres namin
"Nag aya ng cutting si Rommel kaya ayun sunod ang lahat" sabi ni Ara na parang nababagot. Ganito yun lagi. Unbelievable ang section na ito sa talino, cutting man o absent pasado lagi sa exam walang kopyahan. Mataas ang IQ naming lahat pwera kay Hansol.
"Ahhh... Wonwoo, tawagan mo lahat sabihin mo bumalik sa klase, SoonSeok maglagay kayo ng kung ano sa upuan ng mga wala. Madadala ren yan at hindi na magcucutting" Utos ni Doyoon at umupo na sa upuan niya sabay natulog. Umupo na ang lahat at kanya kanya ng ginagawa. Wala kasi ang teacher namin for Science kaya free time at nagcutting sila.By the time na Filipino na ang period babalik na sila.
-×-
"Ew! SoonSeok naman eh" Maarteng sabi ni Faith since nilagyan nina Soonyoung at Seokmin ang mga upuan ng super glue. Matatangal lang daw yan pag nagsisi na sila. Nagiinarte lang yan si Faith, halikan lang yan ni Chan baliw na yan, but that's never going to happen.
"Magandang umaga!" maligayang bati ng guro
" Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa Pagbibigay ng pahayag ng pagtanggi, pagtanggap at proposisyon" sabi ng aming guro at nagpatuloy siyang nagsalita at nagdiskusyon sa harapan habang kami naman ay sumasagot at matinong nakikinig.
"Sana nainitindihan niyo ang ating aralin. Ngayon tignan natin kung naintindihan niya na kasi lumilipas ang inyong mga utak" sabi niya at ngumiti. Natawa kaming bahagya ng tinignan niya si Hansol
"Hansol, gusto mo bang lumabas?" tanong ng guro
"Miss ayoko po" sabi ni Hansol na nakangisi. Ngumiti ang guro at tumingin sa amin.
"Nakita niyo, tumanggi si Hansol ngunit kulang. Hansol magbigay ka ng dahilan." ani ng guro at tumingin ulit kay Hansol na nakaupo
"Miss kasi po may paniniwala ako-"
"Bwahahahahahahaha" Nagtawanan ang buong klase at nagulat ang guro saka rin tumawa ng napakalakas.
"Huwag niya akong paalisin dito dahil meron akong paniniwala" tugon ng guro at tumawa at umaaktong ayaw niyang umalis. Nagpatuloy ang klase ngunit pinapaulut ulit ang sinabi ni Hansol na 'paniniwala'
Third Person's PoV
"Sayang, may gwapong lalaki na magpapakawala sa akin kaso pinigilan ng lintik na Do Yoon na yun" sabi niya habang sinisilip ang pinto. Napa upo na lang siya sa nagiisang upuan sa silid at saka nagmaktol.
"Tss kung hindi dahil sa kanila hindi sana ako magkakaganito" sabi niya at nagsulat sa pisara.
1135RM2068712
"Patakasin niyo na kasi ako dito!" matinis na tili niya na parang narinig naman ng ibang estudyante ng Class 3 - A
"Narinig niyo yun?" nagtatakang tanong ni Dongjin
"Oo, parang tili ni..." sabi ni Parker pero hindi niya na tinapos
"Hindi imposible, naghahalucinate lang tayo" pagpapakalma ni Alyssa sa kanyang mga kaibigan
"Pero, pare pareho tayong nakarinig nun" sabi ni Marianne. Nagkatinginan naman sila nina Jihoon na pawang katabi lang nila.
"Ara, may narinig ka bang tumili?" tanong niya. Napailing lang si Ara na nagtataka
"Wala lang namang tumili eh" sabi niya at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Okay! Sinong nakarinig ng tili" malakas na sigaw ni Jihoon na parang nagaalala. Nagtaasan lahat ng kanyang kaibigan pwera lang kay Seungcheol at Khaye na walang ka alam alam.
"Bakit anong meron?" sabi ni Benisse pagkatapos mapansin na paunti unti at parang nanghihinang umupo si Jihoon.
"Ah Wala" Pasimpleng sagot ni Angela
'Imposibleng siya ang narinig namin' isip ni Jihoon
*Class Dismissed*
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson