Ljae's POV
NAGISING ako at napansin na nasa isang maliwanag at pamilyar na kwarto. Room 206.
Iniikot ko ang aking paningin sa paligid. Napansin ko na nakataas lahat ng mga upuan at nakalagay lahat ng lamesa sa may gilid at ako na lang ang nasa gitna. Nakiramdam ako at napansing may nakasandal sa likod ko at nakagapos ang kamay namin sa isa't isa
Lumingon ako sa kanya at tinignan kung sino
"Kim Mingyu!" bulaslas ko ng napansin agad kung sino iyon
"Ha? Ano?" gulat niya nung bahagyang nasigawan ko siya.
"Mingyu yung kamay ko. Di ko magalaw" sabi ko habang pinapakiramdaman ang nakagapos kong kamay.
"Wait. Yung kutsilyo ko" sabi niya at inilapit ang kamay ko sa bandang likod niya
"Gyu anong ginagawa mo" natatarantang tanong ko
"Kinukuha yung kutsilyo ko" sabi niya ay pinatahimik ako. Kinagat ko na lang ang labi ko dahil sa kaba
"Wag mong kagatin labi mo dudugo yan" nagaalala niyang sabi.
"Di ko naman kinakagat ah" pagsisinungaling ko. Pinilit niyang tanggalin ang tali gamit ang kutsilyo at nagtagumpay siya doon. Humarap siya saken at hinawakan ang magkabilang pisngi ko
"Ljae kilala kita sa mga panahon gaya nito kinakagat mo labi mo" sabi niya sa akin. Tatayo na sana kami para tumakas ngunit nalaglag ang flashlight ko na nakabulsa sa palda ko kaya bahagyang umupo ako para kunin iyon
Biglang namatay ang ilaw at wala kaming makita.
"Ljae?" tanong niya saken na nangangapa rin
"Andito ako. Wait yung flashlight ko" sabi ko kinapa-kapa ang sahig para sa flashlight ko
"Nahanap ko na!" mahinang sigaw ko. Napansin ko naman ang mabigat na paghinga niya na ipinagtaka ko
"Ljae... Di flashlight yan" sabi niya at halatang nagpipigil ng kung ano.
"Ah? Edi ano 'to?" tanong ko habang hawak ang kung ano man ang hawak ko
"Si... Si Junior yan Jae" sabi niya. Namula naman ako at agad na itong binitawan. Thet.
Napakagat ako ng labi ko dahil sa ginawa ko at nagsorry ng nagsorry
"'Di na ako virgin!" pagngangawa niya magisa. Babatukan ko na sana siya ng nakarinig ako ng malakas at mabagal na pagpapalakpak
"Grabe ah! Bilib na rin ako sa kalibugan niyong dalawa. Mamatay na nga lang kayo nagawa niyo pa yan" sabi nito at tawa ng tawa. Binuksan niya ang ilaw at nakita namin ang pagmumukha niya
"Mamatay ka na lang Yuta!" sigaw ni Mingyu at akmang susuntukin siya ng bigla niyang binunot ang baril mula sa bulsa niya kaya natulala na lang kami ni Mingyu sa ginawa niya.
Biglang nanlambot ang binti ko at nangingig sa nakita ko. Napahawak na lang ako kay Mingyu at tinignan siya
"Mukhang mananalo ako ah" sabi ni Yuta at napangisi sa tuwa.
Jian's POV
Ah. Ansakit ng ulo ko. Sabi ko sa sarili. Masyadong malakas ang gamot na nasa panyo niya
Inikot ko ang aking paningin sa paligid at pilit inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay.
Hinihintay na lang namin ang huling tao para masimulan na ang laro. Ito na ang plano naming lahat at walang umurong.
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson