Class 009

224 5 5
                                    

Seungcheol's PoV

Er... Ano.. Uhm.. Ano ulit pangalan mo?" tanong na naman ni Khaye sa akin. Pangatlong beses na hindi niya parin maalala?

"Seungcheol" matipid kong sagot

Lumapit na lang ako kay Doyoon at nagtanong

"May sakit siya. She forgets most of her memory. Noong una after a year nakalimutan niya na. Then it became months then weeks at ngayon days. Di na ako magtataka if she forgets you every second. Malala na ang sakit niya and theres no cure' sabi nito saka umalis.

Bumalik na sa normal si Jian at maayos na. Napagod daw siya kaya nahimatay. Ngayon nakaharap kaming lahat sa may table ng canteen

Kinakamusta nila si Jeno habang ako OP .-. Ganoon ba talaga sila kaclose?

Biglang tumayo si Parker at umalis sinundan naman siya ni Jeno sunod si Mingming

"Ba't ganoon siya? Asan na yung cold na dinaig pa yung yelong Parker?" tanong ko

"Si Parker kasi bestfriend niya dati si Jeno. Kaso umalis si Jeno ng walang paalam kaya nagalit siya. Ever since cold na siya.' sagot ni Junghan

Biglang bumuhos ang ulan...

-×-

Parker's PoV

Tumayo ako sa kinauupuan ko ng di oras dahil sa inis. Parker ano ba? Anjan lang siya lumalambot ka na agad? isip ko

Tumakbo na lang ako hanggang sa pinaka likod ng school at saka umiyak. Naiinis ako sa sarili ko kasi nagkakaganito ako

"Psst. Tayo diyan nagmumukha kang bola" sagot ng isang lalaki. Napatingala ako at nakita si Mingming

Hindi ko alam basta na lang akong tumayo at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik at hinagod ang ulo ko.

"Sige lang iiyak mo lang yan" sabi niya. Lalo akong napahagulgol at nagsalita

"Nakakainis kasi eh. Bigla bigla siyang mawawala tapos biglang babalik. Nakakainis siya. Hindi niya alam ang pinagdaanan ko ng nawala siya" patuloy ng pag buhos ng iyak ko at ng ulan. Pareho kaming basang basa pero ipinagsawalang bahala lang namin ito.

"Pwede bang may sabihin ako. Kaso Secret lang natin" sabi niya at humiwalay sa yakap at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Mahal kita. Kaya please wag ka ng umiyak" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Saka dumating si Jeno

"Andito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap. Tara na umuulan magkakasakit tayo" inosenteng sabi niya napatingin ako sa mata niya at nagtanong ng malamig

"Bakit namumula ang mata mo?' tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin

"Wala ito. Tara" sabi niya. Umiyak si Jeno? Bakit?

Bumalik kaming basang basa pero agad kaming inasikaso ng buong klase. Hanggang ngayon bumabagabag sa akin ang pag amin ni Mingming at pagiyak ni Jeno. Agad naman akong napatingin kay Chan dahil nakatulala siya sa akin

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at napangiti

"May kung ano lang kasi sa bangs mo kaya napatingin ako" sabi niya. Inayos ko lang ang buhok ko at tinignan siya.May kung ano sa mata niya. Takot

"Nakuha ka ba sa mga out of school activities?" tanong niya

"Wala eh" matipid kong sagot

1135RM2068714Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon