Parker's POV
Napatingin ako sa kanya hindi ako sigurado kung bakit pero may kutob akong siya ang spy sa amin.
"Hmm?" tanong niya sa akin. Napailing lang ako at tumingin kay Mingming sabay mahinang hatak sa uniform niya
"Bakit?" tanong niya
"Gusto ko ng twix" out of nowhere kong sagot
"Luh? Wala akong pera" sabi nito sa akin. Napabitaw ako sa uniform niya at agad na umalis. Tay naman kasi eh!Wala akong twix ngayon litsi! Pero totoo nga bang umalis ka?
"Alyssa... Yung letter ba na binigay sayo ni Tay Hansol, pwede bang mabasa" sabi ko sa kanya,napatingin siya sa akin at halatang namumugto pa ang mata. Tumango lang siya pero halatang matamlay parin.
Pumasok ako ng klase at nagsuot ng earphones ko kahit wala akong ipinapatugtog
"Psh alam niyo ba ang landi talaga nung Jian na yun! Palibhasa kasi pasikat" sabi ni Dominic na lets say, confused? Ewan basta bakla siya. Si Jian na naman ang topic nila, hindi ko alam kung anong katangahan ang meron si Jian na mabait parin siya sa mga taong plastic dito
"Wait Kylie you like Dongjin diba?" maarteng tanong ni Shane
"Guys please tigilan niyo nga ako sa Jian na yan, kailangan lang yan turuan ng leksyon para lumayo kay Dongjin" sabi ni Kylie at napangisi. Gulo to!
Hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila pero alam kong masama iyon.
Pumasok na agad si Teacher Yoona at nagdiscuss ng lesson.
---
'Baegopa" (Im hungry) reklamo ni Mingming habang naglalakad kami sa hallway
"Edi kumain ka" sagot ko sa kanya. At pumunta sa canteen para bumili ng pagkain
"Eh..." reklamo niya pa. Huminga ako ng malalim at tinignan siya
"Ilibre na kita, pumili ka na jan!" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya na parang aso - pero pusa siya
"Hmmmm... Kahit ano" sagot niya agad
"Alang pagkain na kahit ano" sabi ko habang tinitignan ang chichirya at chocolates sa tindahan ni Mang June
"Ano ba kasi gusto mo?" tanong ko sa kanya kasi naiinip na ako. Kailangan ko pang magresearch
"Gusto ko? Ikaw" sabi niya at ngumisi.
"Yiieeeee~" asar niya sa sarili. Napangiti ako, mukha siyang tanga
"OMO! Ha! Ngumiti ka! Ngumiti ka!" sigaw nito at halos nagtatalon talon na parang nanalo sa lotto.
"Mang June isang Onion rings at isang Clover tsaka dalawang Coke Mismo" sabi ko at kinuha ang pagkain ko at umupo sa pwesto namin.
"Anyare dun?" tanong ni Jihoon habang tinuturo ang pusang tuwang tuwa
"Nakakita ng multo? nasapian? ewan ko" sabi ko at binuksan ang Clover at kumain.
Dali dali naman tumakbo si Denisse papalapit sa amin at napayukod si Benisse
"Fxxk not her again" sabi nito at lalong yumukod.
"Hi friends of my sister! Hi Sis! Hi Jeno!" masiyahing sabi ni Denisse pagdating namin
"Er... Hi!" mahiyaing sabi ng demonyo este ni Jeno
"What do you want now?!" tanong ni Benisse na medyo naiirita
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson