○●○●○ Class 006 ○●○●○
Faith's PoV
"An the winner for the annual 2014-2015 Pledis Film Fest goes to.... Class 3-A, Group D" Nagpalakpakan ang lahat dahil umakyat na sa stage ang grupo ni Jian. The school has been running this Film fest many years now and lagi at somepoint since pumasok kami eh batch and section namin ang nanalo. Binigyan na sila ng timba timbang flowers at nagspeech na si Jian, medyo maluha luha pero pinilit niyang magsalita
"Not just a few days ago, namatay ang isa naming kagrupo at kaibigan. Wen Junhui is always a part of us and this school. Sa totoo lang if nandito siya, siya yung maglilitanya dito. Junhui, congrats, may award ka kuya!" sabi niya at halos lahat kami na naluluha na rin.
"Oh" abot ni Doyoon ng panyo niya. Inabot ko iyon saka madrama na umiyak. Nakarinig lang ako ng mahinang tawa ni Doyoon, sinamaan ko lang siya ng tingin kaya agad siyang umiwas ng tingin. Nagbow na ang mga magkakagrupo saka bumaba ng stage. Natapos na ang buong programa at nagtipon na naman ang mga magkakaibigan, babalik na sa ako sa classroom para kunin yung mga gamit ko ng bigla akong hatakin ni Doyoon,
"Sunod ka lang" sabi niya at isinama ako sa grupo nila.
"Bagong recruit! Party mamaya? Celebrate natin yung pagkapanalo niyo. Pleaseeeeee" pagmamakaawa ni Doyoon at nagpuppy face pa. Tumango na lang sila at ako ang clueless. Nagkanya kanya na muna sila ng bigla akong lapitan ni Khaye
"Punta ka mamaya diba?" tanong nito, Tumango na lang ako at binuhat ang bag ko
"Maghanda ka, may mangyayari" sabi niya at kinindatan ako. Anong mangyayari?
-#-
Pumasok na ako sa apartment ni Mingming, si Mariz ang nagbukas.
"Nasa kwarto sina kuya. Pasabi wag silang masyadong maingay at wag masyadong lasing, ayoko ng pinsan" sabi niya at ngumiti sabay pumasok sa sarili niyang kwarto. Doon naabutan ko silang nanonood ng Frozen.
"Let it goooooooo, let it goooooo, can't hold it back anyyymooorreee"pagsabay nila sa pinapanood. Yung totoo? isip ko sa sarili, lumapit si Doyoon ngumiti sabay hinatak ako doon sa upuan para manood. Focused na focused sila sa kanilang pinapanood kaya naging focused narin ako at nagpapasahan pa kami ng popcorn
Nang nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng nakaramdam ako ng mabigat sa balikat ko. Pagsilip ko. O////O Doyoon,Omo bulong ko sa sarili
Nanatili akong ganun hanggang sa natapos ang palabas. Lumabas muna sina Seungcheol at Mingyu para bumili ng kung ano man ang binili nila. Tulog parin si Doyoon at nangngalay na ang balikat ko kaya inayos ko na lang ang ulo niya sa kandungan ko. Ang cute niya palang matulog
"Jihoon ano ba! Simpleng pagopen lang eh hindi mo pa magawa!" sigaw ni Khaye kay Jihoon. Yumuko lang si Jihoon at nagsorry
"Anong maggagawa ng sorry mo ha! Mabubuksan ba yan ng ganyan?" tanong ni Khaye sa kanya. Omo anong nangyayari?
"Ano ba Khaye?! Wag mo ngang pagalitan si Jihoon" sabi ni Marianne na biglang tumayo.
"Guys.. guys. guys. Kalma lang!" sigaw ni Seungkwan, more like pagpapakalma sa kanila.
"Ano na pake mo ha? Edi ikaw gumawa niyan kaya mo naman diba? Matalino ka eh!" sagot ni Khaye na talagang naiirita na
"Pake ko? Bestfriend ko yang kinakausap! Ba't ako ang gagawa? Ba't di na lang ikaw ha!" sagot ni Marianne.Sa hindi maipaliwanag na paraan ay tumayo ako ng dahan dahan para hindi magising si Doyoon. Hinawakan ko ang balikat ni Marianne na malapit lang sa akin at pinaupo siya.
"Kalma lang" sabi ko at pilit paupuin siya kaso itinakwil niya ang kamay ko. Nagulat ako at halos naiiyak na. Yumuko na lang ako, bigla akong nakarinig ng tawanan
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mistero / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson