Final Class

65 6 16
                                    

Mingyu's POV

NAPATULALA na lang ako sa baril na hawak ni Yuta, 'di ko akalain na ganun pala talaga sila kasama.

"Nga pala kasabwat si Jisoo dito" sabi niya habang patuloy na  lumalapit sa amin.

"Panget walang thrill" sabi niya kaya naglabas na lang siya ng isang bote at ibinuhos ito sa buong silid, masangsang ang amoy, amoy gas.

"Nagyoyosi kayo?" tanong niya sa amin.

"Gago" mahinang bulong ko. Naglabas siya ng isang sigrarilyo at sinindihan ito. Tinapon niya lang ang lighter at nagsimulang lumiyab ang paligid niya.

Hinithit niya ang sigarilyo at tinignan kami

"Sorry kung Hot ah, andito kasi ako" sabi niya at kinindatan si Ljae

"Tang-"

"Aba ang hangin naman" sagot ni Ljae.

"Talaga?" tanong niya at lumapit pa sa amin at umupo na kasing lebel lang ni Ljae at mariin na ipinaso sa kanya ang sigarilyo.

"Shet" pagsigaw niya sa sakit. Tinulak ko si Yuta at agad naman siyang nadapa, dinampot niya ang kanyang baril at pinaputok ito

"Gyu!" sigaw sa akin ni Ljae. Naluluha na ang kanyang mata at napailing iling

"Ahahahaha!" malademonyong sigaw ni Yuta

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at napansin na tinamaan pala ako malapit sa puso, naramadaman ko na ang pagsikip ng hininga ko at ang hapdi

"Tangina mo! Mamatay ka na!" sigaw ni Ljae at binato ang dalawang sapatos niya. Tumama ito sa ulo ni Yuta dahilan para ma-off balance siya at nasunog ng buhay

"Gyu! Wag mo kong iwan kang letse ka" sabi niya at inalalayan akong tumayo, lalong lumalaki at umiinit ang apoy. Ubo na kami ng ubo dahil sa kaubusan ng oxygen kaya napabagsak kami pareho.

"Ljae tama na..." kahit hirap huminga ay nagawa ko siyang pigilan. Awang awa na ako sa kanya dahil pilit niya parin akong tinatayo.

"'Di pwede, lalabas tayo, magiging ligtas tayo kaya makicooperate ka naman" sabi niya at bumuhos na lalo ang luha niya. Umiling ako

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita Ljae, sorry na kung lagi kitang inaasar pero thank you kasi naging tayo kahit ilang oras palang. I love you" sabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luha niya saka hinalikan siya.

Third Person's POV

Hindi tumagal at binawian na ng buhay si Mingyu at naiwan sa lumiliyab na kwarto si Ljae.

Ubo ito ng ubo at hindi na makakilos dahil sa mga nangyayari

"Maduga... ka..."sabi niya at bumagsak ng tuluyan sa sahig.

Lumakas ng lumakas ang apoy at nilamon na ang mga studyante sa loob.

---

KASAGSAGAN naman ng malakas na ulan ay tinatahak nina Mingming,Parker at Dongjin ang madulas na daan papunta sa estasyon ng pulis.

"Malapit na ba tayo?" tanong ni Dongjin sa kanila

"Wala pa malayo layo yun eh" sagot ni Mingming at nakatuon parin ang pansin sa dinadaanan. Wala silang kamalay-malay na may paparating na truck.

Nawalan ito sa control at sumalpak sa kotseng sinasakyan nina Parker. Malakas ang pagkatama kaya nayupi at nagpagulong gulong ang kanilang kotse.

---

1135RM2068714Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon