Class 012

207 6 2
                                    

Angela's POV

Dumadaan kami ni Seungkwan sa isang madilim na eskinita papunta sa bahay ko. Walang ibang daan kaya kahit alam kong delikado tutuloy parin ako

Nagulat na lang ako ng isinandal ako ni Seungkwan sa pader at napalapit siya ng kaunti sa akin.

"Seungkwan!" sigaw ko sa kanya at napansin ang tama ng kutsilyo sa kanya. Napatingin ako sa bandang gilid ko at nakitang tumakbo ang lalaking nakaitim at may bandanang pula papalayo.

"A...ayos lang ako.." mahinang sabi niya at unti unti siyang nanghinang bumagsak. Sinalo ko siya at umupo sa sahig. Balak ko sanang tanggalin ang kutsilyo sa likid niya pero hinawakan niya lanh ang kamay ko

"Pabayaan mo muna yan daan... Tawag ka kay na hyung..." sabi niya at ganoon nga ang ginawa ko.

"Si.. Si Seungkwan! May sumaksak sa kanya" nanginginig at natataranta kong sagot pagkatapos sagutin ng kabilang linya

~"Ha?! Ano?! Nasaan kayo?!"~

"Malapit kami sa bahay, yung eskinita dito" sabi ko at bumaba na ang kabilang linya. Di ko alam kung anong gagawin ko. Basta kailangan mabuhay si Seungkwan. Lady Gaga~ Balikat lang yan wag ka magaalala! pakikipagtalo ko sa utak ko. Wala pang ilang minuto nagsidatingan na silang lahat at tinulungang isugod sa ospital si Seungkwan.

-×-

"Gladly, wala naman masyadong masamang nangyari sa kanya, just a minor injury dala nga ng kutsilyo." sabi ng doctor at nagpaalam dahil may ibang pasyente pa daw.

Tumango kami at lumapit kay Seungkwan.

"Pak~ Ospital na naman? Nakakasawa na ah!"reklamo niya sabay tawa.

"Nasaan ang anak ko?!" sigaw ng isang babae sa may entrance ng ER at nagtatakbo takbo.

"Tita!" sigaw ko dahil nakilala ko ang babae. Nagmadali siyang lumapit at bigla na lang akong sinampal.

"You good for nothing girl! Sabi na nga ba kayo na naman eh! Kung namatay ang anak ko?!" pagsisigaw sigaw niya sa amin at pinagsasampal sampal ako

"Ma tama na!" sigaw ni Seungkwan

"You stay out of this! Maguusap pa tayo!" sigaw ng mama niya at ibinalik ang pansin sa amin

"Lagi na lang kayo ang dahilan! Mamatay ang anak ko sa inyo" bulway at panduduro sa amin ng nanay niya. Hinawakan naman siya ni Tito sa balikat at pinahinahon

"Ynna, stop!" pagpapatigil ni Tito

"Tandaan niyo di pa tayo tapos" sabi ni Tita at saka sila umalis. Patuloy lang ang paghagulgol ko sa iyak dahil sa sakit. Masyadong masakit ang nararamdaman ko hindi sa sampal kundi dahil kami nga ang kasalanan

-×-

UMUWI na ang iba sa aming boarding house habang ako nakatulala at naiwan sa ospital

"Angela" pagsambit niya sa pangalan ko. Bumalik ako sa realidad at tumayo

"Bakit? Ano may kailangan ka? may gusto kang kainin?" sunod sunod kong tanong. Aalis sana ako para bumili ng pagkain pero hinawakan niya ang kamay ko, napaharap ako dahil dito at tingnan siya

"Bakit?" inosente kong tanong

"So.. Sorry" nakayuko niyang sinabi. Napaupo naman ako at iniurong ang upuan ko habang hawak parin ang kamay niya.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong

"Kasi si Mama... Ganun yung ginawa sayo" sabi niya at nangungusap ang kanyang mga mata

1135RM2068714Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon