Doyoon's POV
"Therd Yer!" sigaw ni Teacher Doogi kaya napatigil ang lahat sa suntukan. Maski ang ibang mga studyanteng nanonood kanina ay nagsialisan na rin.
"To the gymnasium now!" sigaw niya kaya sumunod na lang kami
Binitiwan ko ng marahas ang kwelyo ni Suga at pinagbantaan siya. Ngumiti lang siya na parang nangiinis. Pinuntahan ko si Soonyoung na halos pinaka pinuruhan sa lahat tinulungan siya.
"Benisse Sorry na!" sigaw ng isang lalaki at pilit na hinahabol ang naiinis na si Benisse. Hinawakan niya ang kamay niya pero agad naman siyang itinakwil. Tinulungan naming lahat si Soonyoung habang kinakausap ni Benisse yung lalaki. Nagpaiwan muna ako para tulungan si Benisse sakaling may mangyari
"Sorry? SORRY?! TANGINA! MAMATAY KA NA HAN SOL!" simpleng sagot ni Benisse sa lalaki.
"Di ko sinasadya. Benisse sorry na" paulit ulit na paghingi ng tawad. Halos mangiyak na si Benisse kaya hinawakan ko lang ang braso niya.
"Di sinasadya? Eh kung namatay ng di oras si Soonyoung? Tangna!" Sigaw ni Benisse at pinagpapalo si Han Sol. Nararamdaman ko ng nahihirapan ng huminga si Benisse kaya inilayo ko na siya sakanya at naglakad papunta sa gym. Doon nakita na naming sinesermonan kami ng school Principal.
"Ano ba talaga ang alitan niyo sa isa't isa?!" reklamo ng principal namin.
"HaNuel! Suga! Maiwan kayo" sigaw ng principal namin habang nagaaalburoto sa galit. Psh di pa ako nasanay.. Kung andito lang si Junhui... Ngumiti ako ng mapait. Nagsimula ng pumila palabas ang mga studyante kaya tumayo na rin ako at hinintay na makaalis sa labas ng gym.
Pumasok kami sa loob ng classroom habang nakaface palm si Teacher Youngmin.
Katahimikan ang pimalibot sa loob ng silid at biglang pumasok si Hanuel na dismayado. Bumulong siya sa aming guro at bumalik sa upuan niya na nakayuko
" Class 3-A im sory to say this pero lilipat tayo sa Room 206" panimula ni Teacher Youngmin
"Sir bawal po yan! Forbidden Room ang Room 206 at ipinasara na matagal na, Hindi nila basta basta pwedeng buksan yan" reklamo ni Junghan. Sunod sunod ang reklamo namin.
"Sorry students pero kailangan. Kung ayun lang ang paraan para tumino ang dapat matinong section ay wala na akong magagawa" sabi niya
".. Wala na po bang paraan para 'di kami mapadala doon?" simpleng tanong ni Jeno pero rinig mo parin ang kaba sa boses niya
"Principal na ang nagsabi. Wala na tayong magagawa" nakayuko na sinabi ng guro. Napayuko na kaming lahat at nagsimulang umiyak si Hanuel ang humihingi ng patawad. Tumayo naman sina Betha at Shajana at pilit na pinapatahan si Hanuel.
"Nalintikan na. Tss.." bulong ni Rommel pero rinig parin ng lahat.
"Get your bags and lilipat na tayo' mahina at malumanay na sinabi ni Teacher Youngmin kaya sinunod na lang namin.
Isa isa naming padabog na pinagsisipa ang mga upuan saka lumabas. Nakakabadtrip talaga
Binuksan ng isang janitor ang pinto sa Room 206 at napangisi sa amin. Tinignan ko lang siya ng matalim at saka siya umalis
"Welcome to Hell" mapait na sabi ni Soonyoung habang iniinda parin ang sakit sa bugbugan kanina.
Pinasok namin ang kwartong hindi binuksan sa loob ng dalawang taon. Puro alikabok at sapot ng gagamba ang naabutan namin. Maski pala mga janitors di pinasok ito.
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mistério / Suspense"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson