Epilouge

73 7 6
                                    

Parker's POV

2 years later...

"Yah! Mariz! Mag-ingat ka umuwi ka ka agad!" sigaw ni ko kay Mariz. Simula ng nawala ang kuya niya, ako na muna ang nag-aalaga sa kanya lalo na't nasa ibang bansa ang magulang niya. Ayos lang naman sa kanila ang ganito, nakalimutan na nila ang karamihan

"Yeah! Yeah! Yeah!" kanta niya habang sumasayaw doon sa paborito niyang Kpop Boygroup kung saan kabilang din si Doyoon

Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito

Doyoon calling...

"Oy?" tanong ko pagkasagot.

"Wala ka bang balak magbago? Uuwi ako diyan mamaya nasa airport na ako. Pag 'di ka pumunta lagot ka saken" sabi niya at binaba agad ang telepono. Tinext niya naman saken yung oras at terminal no. Lokong matanda

Niligpit ko na ang mga gamit at ginawa ang kadalasan na ginagawa ko pagka alis ni Mariz papasok ng eskwelahan. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya hindi ako nagmamadali.

Napatingin ako sa isang frame sa bahay, litrato naming lahat na masaya. Nakakatuwa nga kasi kung ano ang pwesto namin nung unang picture kung saan bata pa kami ay ganoon in ang pwesto namin nung unang araw ng pasukan.

Naalala ko naman ang nangyari noon...

"May massacre pong nagaganap sa Pledis Academy, wala pong signal doon kaya po kami nagmamadaling pumunta sa pulis. Tulungan niyo po kami" pagmamakaawa ko sa doctor at hindi naiwasang humikbi, kilala ko na ang killer pero hindi ako nagsalita, hinintay ko pa na umabot kami sa ganito.

"We'll do everything, we'll contact the police now. Magpahinga ka na" sabi niya sa akin pero umiling ako. Umalis na silang lahat at humiga ako ng sandali at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Masyadong masakit ang pagkawala ni Mingming para sa akin, mas masakit sa pagkawala ng karamihan. Umupo ako at pinunasan ang luha ko saka tumayo at tinanggal ang dextrose sa kamay ko at naglakad palabas.

Malakas ang ulan at ang hangin na akala mo ay tatangayin ka na lang basta basta at babaha sa kinatatyuan mo. Naglakad ako palabas ng hindi man lang sinita ng guard at hinayaang mabasa ng ulan. Pumara ako ng taxi at pumunta papuntang eskwelahan.

Nangingig man ay sinubukan kong manatili at magisip ng diretso. Napalingon ako sa bintana at nakasalubong namin ang isang taxi. Nanlaki ang mata ko.

"Hindi pwedeng siya yun" bulong ko sa sarili ko at napailing. Bumababa ako sa taxi at binayaran ang driver saka tumakbo papunta sa direksyon niya

"Jisoo! Jisoo!" Sigaw ko paulit ulit pero hindi tumigil ang sasakyan. Nadapa na lang ako at naiwan sa gitna ng kalsadang basa at patuloy ang pagbuhos ng ulan. Humagulgol ako at naghintay na pumunta sa eskwelahan, mabagal ang paglalakad ko na para akong zombie.

Pagpasok ko ng gate ay nagkalat na ang mga ambulansya at pulis pati na rin ang mga bumbero na nagaapula ng apoy mula sa ikalawang palapag. Mula doon ay nakita kong isa isang ibinababa ang mga bangkay ng mga kaibigan ko.

Lumapit ako lalo at nakita ang kaawa awang bangkay nila, hindi ko na nakayanan at bigla na akong bumagsak sa sahig. Ako ang nagplano ng lahat, ako ang may kasalanan...

"May buhay pa dito!" sigaw ng isang rescuer at inilabas si Doyoon na halos nangingig at hindi makahinga, nabuhayan ako ng loob at agad na tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya. Tinanggal niya ng tuwalya na nakabalot siya kanya at niyakap ako

1135RM2068714Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon