Dongjin's POV
Bumalik kami sa classroom na parang walang nangyari, masyadong malinis at parang walang bakas. Grabe, ganun lang ba sa kanila ang namatay na studyante nila?
Nagsimulang magtakbuhan ang ibang estudyante papuntang library.
"May nagbigti daw na teacher sa library" sabi ng isang babaeng chismosa tas tumakbo silang lahat. Nagkatinginan ang lahat at namuo ang nakakabang tensyon at bigla na lang kaming nagpunta sa library
"Teacher Youngmin!" sigaw naming lahat at nakipagsiksikan sa mga studyante para makapunta sa harapan. Doon nakabigti siya sa ceiling fan at may hawak siyang papel. Lumapit si Rommel at kinuha ang papel.
Binasa niya ito at nangingilid na ang kanyang mga luha. Tinupi niya iyon at ibinigay kay Hanuel saka umalis.
"3-A balik sa klase now na! At kayo ireport niyo yan" sabi ni Wonwoo bilang SCB kaya sumunod kami.
Naabutan naming nakalugmok si Rommel at humarap si Aren (Vice ng 3A recall lang) sa amin at binuklat ang papel
"Dear Class 3-A, Siguro nakita niyo ng nakabigti ako pag binasa ni Aren ito, alam kong masyadong mahina si Hanuel para basahin ito kaya ai Aren na lang, sorry pero hindi ko na kaya..." sabi ni Aren at pinunasan ang kanyang luha at huminga ng malalim
"Thank you for everything you have done for me but thats not enough to fill the empty space in my heart... Gizelle I love you and Im sorry I ended up like this. Masyado na akong napressure ng school... Till then..." pagbasa niya ulit pero naputol
"Till then what?" tanong ni Faith
"Hindi niya natapos" sabi ni Aren na nalilito rin
"He planned to suicide pero di niya natapos yung letter..." side comment ni Doyoon
"Someone killed him" simpleng sagot ni Junghan
"Kung meron.. edi sino?" tanong ni Hanuel na maayos na ang kalagayan
"Students get back to your sits. For the meanwhile self study muna kayong lahat. Naghahanap na kami ng permanent teacher niyo." mahina at nakayukong sinabi ni Teacher Gizelle.
Umupo na ang lahat at kumuha ng libro. Napatingin ako sa katabi ko. Psh tulog na naman siya.
"Jian.. Psst.. Jian!" pabulong na sigaw ko at sinusundot yung chubby niyang pisngi
"Hmm?!" tanong niya at tumingin sa akin. Obviously inaantok parin siya.
Umiling lang ako at nginitian siya. Ang cute niya talaga~
----
Uwian na at as usual magkakasama na naman kami. This time wala ng naiwan at sinigurado na naming completo kami.
Pasok ng bahay punta ng kwarto at bumalik sa sala.
"Guys seryoso na to. Sumunod kayo sa rules para walang away at walang mamamatay. Bago na rin ang pairing natin sa kwarto" sabi ni Doyoon at binigay yung papel.
"Ang pairing ngayon ay hindi na hiwalay ang girls at boys. Para na rin maiwasan magkagulo at magkaroon naman ng saysay ang pagiging lalaki niyo" sabi ni Doyoon at umabot na sa akin ang papel
Jian - Dongjin
"Pak magkasama tayo sa kwarto?" bulong ko sakanya
"Wag ka ng umangal kasama naman natin si Soonyoung at Benisse eh" bulong niya pabalik at kinirot ako. Napangiwi ako sa sakit at tinignan siya nginitian lang ako
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson