Class 017

174 4 5
                                    

Parker's POV

Paano ko isosolve ang kaso kung ang meron lang ako eh kutob, observation at tong letseng sulat ng tatay ko, idagdag pa ang katawan ni Marianne

Tinignan ko ng mabuti ang sulat at napagtanto na hindi ito sulat kamay ni Hansol. Gtech na black ang ginamit na ballpen, pilot na blue ang gamit ni Hansol, bat gtech to?

Lumabas ako ng kwarto at aksidenteng nabangga si Soonyoung. Bigla namang nalaglag ang isang phone mula sa pagkakahawak niya

"Ba't nasayo cellphone ni Hansol?" tanong ko dito. Hinatak niya ako pabalik sa kwarto ko at nilock ang pinto

"Kahit anong sasabihin ko maniniwala ka okay? Wag mo kong pagsusupetsyahan mageexplain ako" natatarantang sagot ni Soonyoung. Tumango lang ako bilang tugon

"May suspetya ko na hindi umalis si Hansol, itong cellphone niya eh nakita ko sa may dulo ng library kung saan ako nagbabasa" sabi ni Soonyoung. Kinuha ko ang phone at tinago sa bulsa

"Akin na muna to, salamat ha" sabi ko at pinalabas siya sa kwarto. Ano na ngayon? Huminga ako ng malalim at nagsulat sa notebook ko.

"Oh Wonwoo san ka galing?" tanong ni Seungcheol pag pasok ni Wonwoo

"Si Jeno nawawala" pagaalala ni Wonwoo. Napatingin ako sa kanila Lagi naman diba?!

"Waeyo?" sabay sabay na sabi nina Jian

"Ewan ko, sabi niya may bibilhin siya kaya sinamahan ko kasi nga yung sa rule diba? Tapos sabi niya magccr daw siya, naghintay ako ng matagal pero di parin siya lumabas" pabalil balik si Wonwoo

"Osha! Kayo ng bahala diyan! Congrats nga pala Wonwoo naisahan ka" sabi ko at iniligpit ang gamit ko.

"Parker sandali" sabi ni Mingming at sinundan ako sa kwarto

"Kasalanan ko" mahinang sabi niya

"Mwo?" tanong ko dito

"Gusto ka niya kasing pasayahin, bumalik sa dati, kaya naisipan kong sabihin sa kanya na gusto mo ng album ng MID" pagtatapat niya. Nahampas ko ang gamit ko sa kama sa taas at hinarap siya

"What? Ba't mo ginawa mo! Tangina alam ko ang pusa matalino hindi tanga!" sabi ko at kinuha ang cellphone ko at nagpatong ng blouse

"Tangina magtititigan na lang ba kayo diyan? Ba't di kayo tumulong maghanap?!" pagsigaw ko sa mga taong nakatunganga. Jeno ano na namang katangahan to?

Nagtatakbo takbo ako hanggang sa mall, malapit lang naman siya pero hingal na hingal parin ako. Kasunod ko lang ang lahat at nagisa isa kami sa mga music stores at kainan, pinapage namin siya pero nakaraan ang ilang oras wala pa rin.

Napagpasyahan na naming umikot ulit hanggang sa may kumpulan sa dito sa may ground floor. Nakisingit kami at nakita ang duguan katawan ni Jeno at ang mga pulis na nagiimbestiga, nagcross ako ng police line.

"Miss bawal ka po dito" sabi ng isang pulis at mahinahon akong pinapaatras

"Sir kaibigan ko po yan" pagsabi ko pero di talaga ako pinayagan

"Miss bawal po talaga" sabi nito kaya tumango na lang ako at tumingala. Doon nakit ko ang isang pamilyar na tao at medyo nakangisi ito. Sabi na nga ba siya yun eh

Umatras ako pero kita ko parin ang katawan niya. Nakaharap ang mukha nito sa sahig kaya hindi ko masyadong makita pero alam kong basag ito. Nakuha ng mata ko ang panyong pula na checkered na hawak niya. Ebidensiya

1135RM2068714Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon