Dongjin's POV
Pagkalayo ni Jian saken may kung ano sa akin na para bang dapat hindi ko siya iiwanan
Pag layo niya pagkatapos siyang 'gumanti' saken napansin ko na naluluha na ang mata niya at parang onting galaw ko lang eh bubuhos na iyon. Tatanungin ko sana siya pero tuluyan na siyang nakalayo
Sa nakita ko, hindi na ako nagtiwala sa sinabi niya at magisang sinubukan hanapin ang iba pa naming mga kasama
Napadaan ako sa isang pasilyo at nakarinig ng pagsigaw. Lumapit ako doon at sinubukang buksan ito pero nakalock
"Hyung?" tanong ko at inilapat ang tenga ko sa pinto
Parker's POV
Nagising akong nahihilo dahil sa nangyari kanina sa gym. Mas matalino pala sila keysa sa inaakala ko.
Tatayo na sana ng nakaramdam ako ng kung anong mabigat sa likod ko
"Wag kang malikot" sabi ng isang lalaki sa likod ko
"Pusa.." panimula ko. Huminga siya ng malalim at pinaghiwalay ang kamay niya dahilan para matanggal agad ang tali sa amin.
"Ang bobo naman ng nagtali. Yung madali pang matanggal" sabi niya at tinulungan akong tumayo.
Nang nakatayo na kami sinubukan na naming buksan ang pinto pero napagtanto namin na nakalock pa ito kaya sinubukan naming manghingi ng tulong
"Hyung?" tanong ng isang lalaki sa may pinto. Kaya nabuhayan kami papaano ng loob.
"Dongjin? Try mong buksan ang pinto" utos ni Mingming sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na paraan nabuksan na lang ni Dongjin ang pinto
"Paanong...?" panimula ko. kung babae sana siya pwede pa dahil sa pin pero...
"Ah... Ito" sabi niya at pinakita ang hair pin saka ngumisi. Lumabas na kami ng kwarto at naglakad
"Ba't mo dala yan?" tanong ni Mingming habang patuloy parin kaming naglalakad
"Ah? Si Jian kasi madalas bumababa yung bangs niya kaya nagdadala ako ng hairpin pag kailangan niya, alam mo na makakalimutin siya eh" sabi niya na may lungkot sa mata niya pati sa boses niya
"Bakit?" tanong ko at napatingin sa kanya, mukha siyang guilty
"Di kasi ako nakinig kay Jian eh... Sabi niya humingi ako ng tulong pero hinanap ko muna kayo" mas malungkot keysa sa kanina ang pananalita niya
"Tara. Parking Lot" tipid na sabi ko at dahan dahang tumakbo papuntang parking lot
"Bakit?" tanong ni Dongjin saken. Tinignan ko siya at saka ibinuka ang bibig ko
"Keysa sa makonsensya ka diyan na parang ewan, ba't di mo gawin ngayon. Sakay!" sabi ko pagkatapos ko mabuksan ang isang kotse na sa tingin ko ay isa sa mga staffs sa school.
"Paano mo nagawa yun?" tanong ni Pusa sa akin pagkapasok niya sa kotse
"Sinong marunong mag drive?" tanong ko agad, nagtaas naman ng kamay si Mingming na parang magrerecite kaya inistart ko muna ang kotse gamit ang pagtanggal ng dalawang cable sa may bandang manibela at ipinagdidikit ito para magkaroon ng kaunting spark para gumana ang sasakyan.
Pagkatapos nito ay lumipat na siya sa upuan niya at dun naman ako sa tabi niya habang nasa likod si Dongjin.
Inayos niya ang seatbelt niya kaya pati ako nagayus na rin pero dahil sa nanginginig ang kamay ko sa kaba hindi na ko mapasok ng maayos ang seatbelt. Narinig ko naman na parang naiirita na si Mingming kaya siya na ang nagayos ng seatbelt ko
![](https://img.wattpad.com/cover/11440612-288-k110548.jpg)
BINABASA MO ANG
1135RM2068714
Mystery / Thriller"In one aspect, yes, I believe in ghosts, but we create them. We haunt ourselves." - Laurie Halse Anderson